Chapter 5: Assumptions

11 1 0
                                    

NEXT MORNING

Adrianne's POV

Maaga akong nagising dahil sa sikat ng araw na dumapo sa mukha ko.

"Ang sakit ng ulo ko!" Reklamo ko. Binalewala ko nalang 'yun at dumiretso ng CR at naligo at nagbihis.

Pag kababa ko galing sa kwarto ko ay nakita ko si Kuya na naghahanda ng pagkain.

"Nasaan sina Nani?" Nagtataka kong tanong ngunit di sya sumasagot.

"Uy, Kuya!" Tawag ko uli sa kanya at agad naman syang natauhan.

Anyare dito?

"B-bakit? May problema ba? Anong masakit sayo?" Sunod-sunod nyang tanong.

"Sabi ko kung nasaan si Nani" Tanong ko uli sa kanya.

"Ah, namamalengke. S-sabi ko ako nalang maghahanda nito tutal nakaluto na naman" Nakangiti nyang sabi pero alam kong 'di tunay yun.

"May problema ba kuya? Anong nangyari?" Nag-aalala kong tanong. Knowing Kuya, hindi yan magsasabi sa akin kahit magmakaawa ako.

"W-wala 'to, stress lang 'to" Sabi nya kaya medyo naweirduhan ako sa kanya.

"Kuya 'di naman kasi halata, bilis na kasi!" Pilit ko sa kanya kaya napabuntong hininga nalang sya.

"May nakita kasi ako sa messages ni Aria, may katext sya, sobrang sweet nila. They even said 'I love you' to each other, sobrang sakit nun!" Nakita kong may tumulong luha sa kanya kaya niyakap ko sya.

"Anong ginawa mo? Sinabi mo ba kay Ate? Nakita mo ba kung sinong katext nya?" Tanong ko sa kanya. Kahit ako, 'di ako mapakali. Paano 'to nagawa ni Ate Aria kay Kuya?! Wala namang ginawang masama si Kuya ah?!

"Hindi ko pa nasasabi sa kanya pero kilala ko kung sino yung katext nya. Kaya pala nung isang araw 'di sya umuwi dito, nagkanda-ugaga na ako kakaalaga kay Xandra tapos may work pa ako that time" Sabi nya habang umiiyak parin kaya niyakap ko nalang uli sya ang naiyak pa rin. Kahit pala talaga mag-asawa na kayo, meron paring mag-ch-cheat sa isa sa inyo.

"Sino? Sinong katext nya, Kuya?" Tanong ko, baka kasi mamaya, kilala ko pala, sugurin ko yun eh! Bubugbugin ko pa!

"A-anthony, Anthony Rodriguez" Nauutal na sabi ni Kuya na ikinabigla ko. Si Sir Anthony?! P*tangina naman oh!

Agad akong lumabas ng aming bahay tinawag pa ako ni Kuya pero 'di ako natinag. Sumusobra na talaga 'yang lalaki na 'yan! Nung una ako, tapos ngayon si Ate Aria?! Hindi ba sya informed na may asawa yung tao?! O hindi lang talaga sinabi ni Ate Aria?! Hay, nakakabwisit!

-----

Pagkadating na pagkadating ko sa school narinig ko pang tumawag sina Camila pero 'di ko 'yun pinansin. Bahala na, basta pupunta ako ng clinic.

Nang makarating ako ng clinic, saktong-sakto! Nandito lang naman si Sir Anthony at si Ate Aria.

"So, tunay pala na magkasama kayo? Paano nyo 'yan nagawa kay Kuya, ha Ate Aria? At ikaw Sir Anthony? 'Di ka ba nadala sa ginawa mo sa akin? Sinaktan nyo si Kuya! Makiramdam naman kayo! Now I know" Nakangisi kong sabi.

"Sandali lang, Adrianne. Hinding-hindi ko ipagpapalit si Alexander sa gugong na 'to" Sabi ni Ate Aria sabay turo kay Sir Anthony.

Our DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon