Chapter 2

6 3 0
                                    

"SISTER Berna, malapit na pala ang Birthday ni Lala. Anu po ba ang plano? Maghahanda po ba tayo?" Si lala ay pitong taong gulang pa lang, siya ang bagong dating dito sa Faith Orphanage. Dahil naninibago pa ang bata kaya madalas lang itong magkulong sa kwarto.

Kagaya niya ay ulila na rin ang bata, nabangga ng 10 wheeler truck ang sasakyan ng mga magulang nito kaya naman labis na ikinalungkot ng bata ang nangyari. Matapos mailibing ang kanyang mga magulang ay nagpalipat lipat ito sa kamay ng mga kamag-anak. Pero doon ay inaalila lamang siya, mabuti na lang ay nakaalis siya sa puder ng mga ito sa tulong na rin ng mga nagmalasakit sa bata.

"Naku! iha gusto ko nga rin maghanda dahil ito kauna-unahang birthday niya na kasama tayo kaya lang ang bata mismo ang ayaw." Nalulungkot na pahayag ni Sister Berna.

"Hanggang ngayon kasi nagluluksa pa rin si lala sa pagkamatay ng kanyang mga magulang."

"Ganun po ba?" Nakakalungkot isipin na wala man lang siyang magawa para pagaanin ang nararamdaman ni lala.

"Pero teka iha, wala ka bang pasok?" Natawa naman siya tanong nito.

"Sister Linggo po ngayon kaya wala po akong pasok." Napakamot naman sa ulo si Sister Berna.

"Ayy, oo nga pala naku! iba na talaga pag tumatanda."
Sabay naman silang natawa sa tinuran ni Sister Berna.

Nasa edad 60 na rin kasi si Sister Berna. Matanda lamang ito ng isang taon kay Sister Terry kaya halos magkapareho na itong may may mga mumunting puting buhok.

Maaga siyang nakaalis sa Bahay Ampunan, kaya naman maaga rin siyang nakarating sa opisina. Naabutan niya pa ang ibang kasamahan na nagkukumpulan habang may mga kanya-kanyang hawak na tasa ng kape. Sanay na siya sa mga ito, ganun sila tuwing umaga, nagkakamustahan.

Malapit ang mga kasamahan niya sa cubicle niya kaya madadaanan niya ang mga ito.

Mukang may pinagkakaguluhan ang mga ito. anu pa bang bago? Napailing na lang siya. Bago pa siya makarating sa upuan niya ay tinawag siya ni Mae.

"Bella..halika muna dito." Bakit anu bang meron? Dahil nagtataka rin siya kung bakit siya nito tinawag kaya lumapit na rin siya.

Paglapit niya sa mga ito ay napansin niyang may mga hindi pamilyar sa kanya. Kasama na doon yung lalaki nung isang araw, yung creepy na lalaki ng nginitian siya.

"Meet our newest members Mr. Rafael Torres, our new photographer and also our Trainees. Sila ang nga mag oOJT satin. Ricky, Sab and Micah."

"Guys. Si Ms. Bella Buendia ang aming Layout Artist." Pakilala naman nito sa kanya.

Isa-isa namang nakipag-kamay sa kanya ang mga trainees. Nang natapat na siya sa lalaking yun na Rafael pala ang pangalan ay hindi niya alam kung kakamayan niya ba o hindi. Hindi naman siya nakakatakot, infact he looks friendly and approachable. Kiming ngumiti siya at nakipagkamay sa lalaki.

Sa totoo lang Gwapo si Rafael, nakapagpadagdag pa sa kakisigan nito ay ang pagiging pala-ngiti. Pag ngumingiti ito ay parang nawawala na ang singkit nitong mga mata. Maputi at makinis rin ang balat nito na para bang alagang-alaga nito ang katawan. May mahaba rin itong bangs na malapit ng tumakip sa kanyang mga mata.

Bigla na lamang napatingin sa kanya ang lalaki kaya napaiwas siya ng tingin. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Nahuli siya nito, hindi niya namalayan na nakatitig na pala siya dito. Habang tumatagal ay hindi na rin niya nasundan ang pinag-uusapan ng mga ito. Hindi rin naman siya maka-relate kasi bihira lang naman siya makihalubilo sa kanila kaya nagpaalam na siya na babalik na sa cubicle niya at sinabing may kailangan pa siyang asikasuhin.

"Hay nako napaka-workaholic talaga nitong si Bella. Maaga pa naman oh. Anung oras pa lang." Sabay sulyap ni John sa rilos nito.

Hindi niya na lang pinansin ang komento nito. tss, magugustuhin ko pang magtrabaho kesa maOP sa pinaguusapan nila.

Lunch break na pero patuloy pa rin si Bella sa pag-eedit ng Layout ng Magazine na i-issued nila next week. May mga pinabago kasi sa kanya Dahil nga nagback-out yung dati nilang modelo, kailangan niya palitan lahat ng mga nakuhanang picture nito. Kaya naman hanggang ngayon ay stuck pa rin siya sa kanyang cubicle. Nagulat na lamang siya nang may maglapag ng pagkain na nasa styrofoam sa kanyang table. Napatingin siya sa taong naglagay nito, agad napakunot ang noo niya nang makilala ang lalaki. Ito yung kasamahan nila na baguhan, kung hindi siya nagkakamali ang nito ay Rafael.

"Lunch na pero hindi ka pa rin kumakain, masamang malipasan ng gutom." Naglagay rin ito ng softdrinks.

Sa totoo lang nagugutom na talaga siya, kaya lang kailangan niyang matapos ito ngayong araw. Gusto niya sanang magpabili kay Lenny kaya lang nakaalis na ito.

"Thanks." Kinuha niya ang wallet sa kanyang bag at kumuha ng pera pambayad sa mga binili nito.

"Salamat sa pagbili nito." sabay abot nito ng pambayad.

Napakunot noo naman si Rafael sa inasta ni Bella.

"You dont have to pay me. it's my treat." nakangiti nitong pahayag. Na siya namang nagpalitaw ng dimples nito.

"No i insist, i dont accept things for free."

Hindi talaga siya sanay na tumatanggap lang ng tumatanggap. Ayaw niya ng maulit pa ang nangyari noong nag-aaral pa lamang siya.

Alam ng lahat ng tao sa eskwelahan niya na sa orphanage siya nakatira, naging maayos ang pag aaral niya sa eskwelahan na iyon. Nagkaroon din siya ng mga kaibigan kaya naman mas lalo siyang pursigidong pumasok, madalas din siyang ilibre ng mga ito kahit na hindi naman siya nanghihingi ay binibigyan pa rin siya ng mga kaibagan niya, pero nagbago ang lahat ng marinig niya ang paguusap ng mga ito sa cr.

"Why are we keeping that girl to our group? when she doesn't belong here. And she's so poor pa." sabi ni Teressa habang naglalagay ng foundation.

"Who?" tanong ni Cloe ang leader ng grupo.

"Who else? edi si Bella. We are famous and being friends with her is like ruining our image." at sumang-ayon naman ang iba.

Napangisi naman si Cloe.
"Girls, calm down. I dont like Bella too. But we need her, ayoko mang aminin pero mababa ang grades ko sa halos lahat ng subject that's why i need her, She's smart. I can make her do my assignment or even project, especially now that she thinks that we are her bestfriends." Kasabay ng paghawi nito ng buhok ay ang taong unti-unting nasasaktan sa kanyang narinig.

"You mean ... your just using her?" Gulat na tanong ni Becca.

"of course. Ano pa bang ibang dahilan para kaibiganin siya? my dad will cut my allowance if i have failure subject."

Hindi alam ni Bella na ganito pala ang tingin sa kanya ng mga itinuturing niyang kaibigan. Hindi niya napigilang maluha sa mga sinabi nito. All this time they are just taking advantage of her. Hindi niya alam paano patatahanin ang sarili dahil patuloy lang ang paglabas ng kanyang mga luha. Dahil dito unti-unting nawala ang tiwala niya sa nga tao.

Hinawakan niya ang kamay ni Rafael at doon inilagay ang pera.

"Teka-" Hindi na natapos ni Rafael ang kanyang sasabihin ng dumating naman si Lenny.

"Bella.. Tawag ka ni Boss."

Agad naman binitbit ni Bella ang Laptop at ang mga pagkain binili ni Rafael saka nagmamadaling umalis.

"Sige salamat ulit dito." Sabay taas ng pagkain pagkatapos ay umalis.

"Wait, you don't have to.."
Napatingin na lang si Rafael sa perang hawak niya at napangiti. tsk. ngayon lang ata may nagbayad sakin even its for free.

Bella...

Stone Heart (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon