Chapter 1

11 3 0
                                    

MABILIS na naglalakad si Bella dahil alam niya na malapit na siya malate, kung bakit ba naman nakalimutan nya i-set ang alarm clock ng phone niya dahilan kung bakit tinanghali siya ng gising, kaya eto nagkukumahog siya sa paglakad at pagtakbo makaabot lang sa call time ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya. At dahil nga hindi nawawalan ng traffic sa Pinas, na-stuck na lang ang jeep na sinasakyan nya dahilan kung bakit naglalakad siya ngayon.

kung minamalas ka nga naman, kaya pala hindi na gumagalaw ang mga sasakyan ay dahil may aksidenteng nangyari. Mabuti na lang at maayos siyang nakalagpas sa aksidente kung saan dumarami na din ang nakikitingin.

Pagdating sa opisina ay pinagtitinginan siya ng kanyang mga katrabaho. Siguro dahil first time niyang malate. Ito pa naman ang pinaka ayaw niya sa lahat ang maging agaw pansin, mas gusto niya yung hindi siya masyadong nakikita ng mga tao para mas madaling makakilos dahil alam mong invisible ka sa paningin nila.

"Bella nandito kana pala! Kararating lang ni Boss pero kung maari ay dumeretso kana agad sa cubicle mo dahil mainit ang ulo ni boss. alam mo naman yun ayaw niya ng late. ayy! nga pala bakit ka nalate? ito ata ang unang beses na nalate ka." hindi ko na ko sinagot ang tanung niya dahil hindi naman kami close para sabihin ko pa sa kanya.

Dumating naman ang isa pa naming kasamahan na may dala ring iba pang documents. Siya ang sekretarya ng aming boss.

"Lenny ito pa daw yung articles."inabot ni Sarah kay Lenny ang limang Files. Saka niya lamang ako napansin.

"Oh Bella! buti nandito ka na, ito yung flash drive Nandyan yung mga pictures na kailangan mo sa layout mo."  at inabot niya ito sakin.

"Lenny dalian mo dyan, pinapatawag ka ulit ni boss."

"Oo na, Saglit lang." Binaling sakin ni Lenny ang atensyon niya.

"Siya sige ito yung mga articles na natapos nila John at Mae, gawan mo na ng layout dahil ang sabi ni boss bago matapos ang araw na ito ay dapat may maipakita ka na daw na layout sa kanya. Malapit na kasi ang deadline." Pagkatapos iabot sa kanya ay nagmamadali na ang mga itong umalis.

Dalawang taon na siyang nagtatrabaho sa isang Publishing Company bilang layout artist. Masaya naman siya sa pagiging layout artist dahil ito talaga ang hilig niya ang mag-design.

Nagtapos siya ng kursong Bachelor of Science in Information Technology sa isang unibersidad dito sa Cavite.

Mahirap ang pinagdaanan niya makapag tapos lamang ng kolehiyo. Dahil ulilang lubos ay lumaki siya sa bahay ampunan, ang Faith Orphanage kung saan inalagaan siya nila Sister Terry at Sister Berna. Maliit na bahay ampunan lamang ito at maliit lang din ang pondo nito nasasapat lang sa pang-araw-araw na pangangailangan nila.

kaya nang magkolehiyo siya ay binalak niyang mag-apply ng scholarship, kaya lang hindi umabot ang average niya sa average na dapat meron ang isang scholar kaya nag-apply na lang siya bilang student assistant. Pero hindi pa rin sapat iyon dahil tuition niya lamang ang nasasagot nito hindi kasama dito ang allowance at panggastos niya sa mga proyekto sa school. Kaya naghanap rin siya ng part time job at sa kabutihang palad ay may tumanggap naman sa kanya.

Estudyante at student assistant sa umaga, trabahador naman sa gabi yun ang naging buhay niya hanggang sa makapagtapos siya. Hindi na rin niya naranasan ang magka-boyfriend dahil mas priority niya ang pagtulong sa faith orphanage.

Hapon na nang matapos nya ang layout niya. Bitbit niya ang laptop niya para i-present ito sa Boss nila. Napadaan siya sa HR office kung saan ini-interview ang mga nag-aapply bilang Photographer. Magre-resign na kasi si Alex, ang kasalukuyang photographer nila. Mag-aabroad na kasi ito dahil gusto niyang kumita ng malaki although malaki naman ang sinasahod nila dito pero para kay Alex hindi yun sapat lalo na't malapit ng manganak ang asawa nito kaya napagdesisyunan nitong mangibang-bansa.

Stone Heart (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon