Bumaon sa tao,Kuko ng pangako,
At ngiti ng pulitiko,
Na plantsado pati kwelyo.
Sa eleksyon lang nakita,
Ang kumag na kongresista,
Pagkat nakatago sa lungga,
Ng kaniyang malamig na kuta.
Tahimik sa buong taon
Maingay sa eleksyon
Parang naghahamon
Wala kasing laman ang garapon.
Ang bulsa ng pagkatao
Ng hayop sa Kongreso,
Ay nakadeposito
Sa bituka ng bangko.
Inumit na salapi
Walang makapagsabi
Kahit na piping saksi
Kalat-kalat kasi.
Bundat ang bulsikot
Sa pangungurakot,
Ang kaban: sinimot.
Sinaid pati ipot.
Tuso si Hudas
Planado ang lahat
Walang mga pekas
Kahit isang bakas.
Ang hahatol ay bulag
Bingi ang katulad
Kaya nakaligtas
Ang lider na huwad.
Kailan ititigil ni Juan
Ang pakikipagbolahan
Sa bingo ng gahaman
Ang buhay kong ito'y sa inyo nagmula
Pangalawa sa Diyos na s'yang lumikha
Utang ko sa inyo ang aking hininga
Minahal, hinubog ng inyong kalinga.
Mga sakripisyo'y sadyang hindi biro
Mula ng ako'y iniluwal sa mundo
Pag-ibig na iniukol sa 'ki'y totoo
Pagmamahal ninyo'y nagsilbing lakas ko.
Ako'y tinuruan ng magandang asal
Sa gitna ng hirap ako'y pinag-aral
Upang 'di mapariwara ang aking buhay
Diplomang natanggap sa inyo ini-alay.
Ngayon ang buhay ko ay sadyang kay-palad
Pangarap ko'y unti-unting natutupad
Ito'y bunga ng 'nyong dakilang paglingap
Sa 'king puso'y walang hanggang pasalamat.
At roleta ng kasakiman?