Simula Ng Katapusan

0 0 0
                                    



Isang tula para sa pagkakaibigan naming matagal nang nawala
Araw,linggo at bwan?
Ilan na ba?
Di ko na din mabilang
Mga oras at panahon na ating nasayang
Kamusta ka na kaya?
Masaya ka na ba?Ok ka ba ngayon?Nakakangiti ka na ba?
Ba't nga ba tayo humantong sa katapusan?
Katapusan na ayaw sana nating maranasanan
Pero hindi natin hawak ang kapalaran
Bilog ang mundo at patuloy itong iikot na tila ba hindi napapagod
Bagama't tao lang tayo na nakatira sa mundong bilog
Kung saan nagpapadala sa agos
Agos na kung saan 'di natin alam kung saan tayo dadalhin

Kamusta ka na?
Miss na kita
Miss ko na yung dating tayo na palaging masaya at laging nilalabanan ang mga problema
Kaybigan,
Lagi kong pinagdadasal na sana maging ok na din ang lahat
Na sana maibalik ang dating puso na walang halong poot
Tiwalang nagkalamat at biglaang nawasak
Mga luhang nasayang sa magdamag na kakaiyak
Mga likidong nag uunahan sa pag patak

Habang sinusulat ko ang tulang 'to ako'y naiiyak...

Na baka wala nang pag-asa pang ibalik at maayos ang pagkakaibigan nating tayo mismo ang nagtatag
Pinagdadasal ko na sana bumalik na sa normal ang lahat
Kung saan ang mga mata natin ay kumikislap sa sobrang galak

Hanggang kaylan ko papasanin ang sakit na ganito kabigat?
Dibdib ko'y parang drum na puno na ng galit at hinanakit
Natatanging dahilan ba't hanggang ngayon ay hindi kita magawang mapatawad,

Ito'y isang tula

Isang tula na hindi ko sinulat kundi iti-nype
Tula na para sa pagkakaibigan nating dalawa na matagal nang nawala
Ngunit-
Habang may pinanghahawakan akong isang salita na balang araw mapapatawad din kita
Kaybigan,
Dadating din tayo sa puntong 'yon pero siguro hindi pa ngayon
Pero kung naiinip ka na at hindi ka makapaghintay,
Siguro ito na ang simula ng ating katapusan
Aking isasantabi ang pagsasamahang kinagagalak kong balikan
Sa mga oras na ito...ipinagdadasal ko
Na sana maging masaya ka at ako
Kahit nasira na ang pangakong tayo ang bumuo na sin tatag ng isang bahay na bato
Kung saan hindi masisira nang kung ano mang delubyo

Kaibigan,
Ito na ang simula ng ating katapusan,
Katapusan ng ating pagkakaibigan...
kaya-
paalam...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BUHAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon