Pulitika : Kurapsyon at Kahirapan

2 0 0
                                    








Ano nga ba ang tunay na dahilan,

Kung bakit ikaw ay pinag-aagawan,

Kakampi ka nga ba o isang kalaban?

'Yan ang tanong ng aking murang isipan?






Kasabay ng pag-unlad ng ating bayan,

Ang di matapos-tapos na kahirapan,

Nasaan na ang pangakong binitiwan,

Na kahirapan ay kanyang solusyonan.






Mga mayayaman na sadyang mapaghusga,

Mahihirap lalong binabaon nila,

Sa halip tulungan,tinutulak pa nga,

Sugat sa puso ay lalong nanariwa.






Tao! Hanggang kailan ka ba aasa?

Na tulungan at kaawaan ng iba?

Kung mayro'n ka rin lang namang magagawa,

Bakit kailangan mo pang tumunganga?



Ilan na ba ang mga batang nakita mo na halos patapon na ang buhay?






Mga batang hindi lang kinabukasan ang nasira kundi halos ang sarili nilang pag-iisip ay nasira na rin?






Mga batang lumihis ang landas at napunta sa madlim na mundo?



Mga batang lapitin ng gulo, nag-uumpisa ng gulo dahil sa impluwensiya ng bawal na gamot?



Alam ko na hindi ka bulag kaya't nakasisiguro ako na hindi lang ako ang nakakita ng katulad nila.






Alam ko na hindi ka manhid para hindi mo maramdaman ang nararamdaman ko.




Nalulungkot ka rin at nanghihinayang, hindi ba? Katulad ko, nalulungkot ako para sa kanila, at higit sa lahat para sa mga magulang nila. Nanghihinayang ako sa magandang kinabukasan na maaari sana nilang makamit.




Kung hindi lang sana sila naligaw ng landas, malamang maipagmamalaki na rin sila sa ating lipunan.






Sa tuwing ako'y naglalakad sa daan, may nakakasalubong akong mga batang halos wala pang muwang sa mundo. Mga batang halos bagsak na ang katawan, buto't balat at may hawak-hawak na supot ng rugby. Mga batang tumitirik ang mata, lasing at nakahithit ng kung anong klase ng ipinagbabawal na gamot.






Ako'y napapailing at napapaisip. Ano na ang nangyari? Nasaan na ang kasabihan na, " Ang kabataan ay pag-asa ng bayan"?



Kung ako ikaw, hindi ka ba magdadamdam? Naisip mo ba kung ano talaga ang tunay na dahilan kung bakit sila nagkaganyan?




Para sa mga kabataan na naliligaw ng landas, kung kaya ko lang iabot ang aking mga kamay upang kayo ay magabayan sa tamang landas, ginawa ko na. Kung kaya ko lang ituwid ang daan sa isang kisap-mata lang, wala na sanang pagala-gala sa daan.



Kung kaya ko lang mailayo kayo sa landas ng kasamaan, ginawa ko na. Pero hindi ko kayang gawin ang mga naiisip kong gawin, kaya sa paraang ito, nais ko lamang ilabas ang aking hinaing.




Huwag na ninyong subukan ang masamang bisyo, upang ang utak n'yo ay hindi na mabulok.




Huwag na ninyong pairalin ang tigas ng ulo, sundin n'yo ang inyong mga magulang upang kayo'y hindi matawag na "DURUGISTA."




HINDI LANG KAYO GUMAGAMIT NG DROGA, DUMUDUROG PA SA PUSO NG INYONG MGA MAGULANG.

BUHAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon