Edukasyon mahalagang bagay sa bawat nilalang;
Nagsisilbing sandata para kahirapan ay mapaglabanan;
Maghahatid tungo sa landas ng karangyaan at karalitaan;
Kayamanan na hindi maagaw at mapawi magpakailanman.
Pagtiyagaan at pagsikapan na ito ay iyong makamtan;
Tiisin ang puyat at pagod na pagdadaanan;
Ano mang balakid piliting ito'y mawaglit at malampasan;
Habang buhay mo itong kaakibat at pakikinabangan.
Kabataan makiramdam at magmasid ka sa iyong bayan;
Taong namumuno taglay ang malawak na kaalaman;
Iginagalang, pinapakinggan at pinapahalagahan sa lipunan;
Tinitingala at hindi pwedeng aapakan ng sino man.
Pangarap ng iyong magulang iyo nawang tugunin;
Pag aaral ay pagsisikapan at iyong pagbubutihin;
Ito ang tanging kayamanang sa iyo'y kanilang ihahabilin;
Hirap man ay dadanasin magtiis ka huwag mo sila biguin.
Magulang ang sayo ay umaalalay at gumagabay;
Igagalang at sila'y huwag bigyan ng lumbay;
Huwag aksayahin ang oras sa mga bagay na walang kabulohan;
Bagkus ito ay ibuhos sa pagtuklas at pagtaglay ng karunungan.
Mga kabataan payo at saway ng iyong magulang pakinggan;
Pahalagahan at itatak sa puso at musmos mong isipan;
Adhikaing maibigay ang buhay na may kaginhawaan;
Makita kang sagana dulot sa kanila ay wagas na kaligayahan.