Pangarap

0 0 0
                                    

Ang Nais ko lang umasenso sa buhay
Walang ibang hinahangad
kundi ang maging matagumpay
Lubos kung iniisip
Kailan Matutupad
Ang tagumpay sa buhay
Na aking pinapangarap
Ang lubos na pagpapagod
Sa trabahong isang araw
Pagod lang at pawis
Ang tuwing makukuha
Subalit kahit akoy nagtatrabaho
Masaya naman ako
Dahil sa mga kaibigan kung masisipag
Talaga naman ako'y napapangiti
Akoy gumiginhawa
Sa kanilang paglilibang
Sa tuwing ako'y malulungkot at umiiyak
Nariyan sila parati sa aking tabi
Talaga naman silay aking kaibigan
Sa Simula palamang,ako na ang inaasahan
Sa pamilya kung kay hirap,ibaon sa kaligayahan
Subalit sa hirap noong unang panahon
Hindi ko binitawan na ako'y makatapos
Sa pag aaral kung lubos,akoy nagsisipag
Upang matupad lamang
Ang pangarap ng aking mga magulang
At mabigyan sila ng maayos na tahanan
Sa ngayon na ako'y nakatapos na
Labis ang tuwa na ng aking mga magulang
Dahil maari ko na silang matulungan
At mabigyang ng masaganang buhay
Sa ngayon,Napagtagumpayan ko na
Ang masasalimoot na mga araw noon
Sa haba ng panahon
Hindi ko akalain
Na nakarating ko na ang simpleng tagumpay
Sa buhay na meron ako ngayon
Ako'y labis din nagpapasalamat
Sa mga taong may busilak na pagkakaisa
At nakarating din ako
Sa ganitong mithiin
Sa pag babloging at pagpopost
Nang mga saloobin sa aking talambuhay
Nais kung pasalamatan
Ang lahat ng mga taong
Gumawa ng mga ito
Sa ganon paman masaya na ako
Dahil sa haba ng panahon at taon na lumipas
Nakarating din ako dito

BUHAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon