Chapter 1

12 2 9
                                    

When can you tell if you love him? - jlcamp

Simula ng iwan kami ni papa dahil mas mahal niya ang kabet niya tuluyang naging malambot ang puso ko. Oo mas malambot pa sa gelatine. Sabi nila ang pagiging bakla daw ay namamana, isip isip ko e wala namang bakla sa pamilya namin o sa mga kamaganak namin. Kahit nga sa ninu-ninunu namin wala, paano ko nalaman? WALA KA NG PAKE DUN!

6 years old ako ng makaramdam na may iba sakin tipong ayaw ko ng baril gusto ko ng barbie (sabi ko na barbie ee) gusto ko ng pink ayaw ko ng pula, gusto ko mahaba buhok ko para na itatali ko genern!

Ramdam kong may kakaiba sakin kasi lagi ako ang Mother pag dating sa 10 20 (Oh Diba ang power ng Mama mo) naiirita ako pag may saling pusa na mukhang namang aso,

Ayoko din na laging pabuhat tipong bubuhayin mo tapos mamamatay ulit siya (Nakakapagod kayang tumalon ng tumalon kanggaro yern?)

Ramdam kong may iba sakin kasi nung 10 Years old ako meron akong isang notebook na ang cover ay si dingdong dantes .

Tipong hindi ako nakikinig sa tinuturong abakada ng Teacher ko dahil naka tingin ako sa utong ni dingdong dantes (Ang sherep kayang titigan) yung titig na may kasamang pag hawak sa utong niya.

Lahat ng notebook cover ko ay mga artistang masasarap. Nananabunot lang naman ako pag nasasandalan ng siko nila ang mga bebe ko.

Mayroon ngang eksena sa school sa may court ako naka upo. Nakatitig lang ako kay mahal na dingong tapos itong dumating na mga dugyutin ay kinuha ba naman ang notebook na hawak ko. Aba syempre hindi nila pwde galawin yun kasi buhay ko yun.

Ang ginawa ko nilagay ko ang dalawa hinlalatok sa tenga ko at ang ibang daliri naman ay naka ingat. Bumwelo ako ng matindi sabay tili ng malakas. Sinasabi ko sayo nagsialisan sila. Bata palang ako marunong nako mag whistle (diba shala) kaya pasalamat si morissette nag give way ako Char!

15 years ako nung tumungtong ako ng Highschool syempre tuli nako ng mga oras na yun at ayokong ma bully na "Baklang supot"

Sa high school life ko na yun masasabi kong mas lalong humumog ang aking pagka malambot tipong nagiging giniling nako sa pagkamalambot, mahaba ang buhok na medyo moreno (ay morera pala) na ang paboritong pabango ay "So in Love na pink" lagi akong nagpapabili nun kay mama.

Sa edad kong 15 nakaranas ako ng First love, First Crush, First kiss, first hug at syempre first... hhmmm ang eme niyo masyado HAHA!

Jake Castillo. Jake Castillo na Crush ng campus, crush ng matatandang teacher at crush ng principal na may nunal sa tabi ng ilong.

Sa sobrang laki akala mo pasas na. masasabi kong nasa 5'8 si Jake nun isang varsity player ipinanglalaban sa kahit anong school, Mayaman na tao, may taga hatid't sundo araw araw.

Pagdumadaan yan sa hallway laging naka bukas ng polo at kitang kita ang leeg niya. Ewan ko pero napaka hot sa isang lalaki ang bakat na bakat na adam's apple tapos medyo payat. Tapos ang puti puti niya pa kamuka nga siya ni harry potter e kasi wala lang siyang "N" sa gilid ng Noo niya.

Nung Christmas Party namin sa school lumabas ako para tawagin ang teacher namin na mahilig mag padala ng floor wax at bunot para mag umpisa na ng party.

Ngunit sa pag lalakad ko sa hallway nakita ko siyang papunta siya sakin "Shit! Tang ina ang cute niya talaga. Ang Hot hot niya mas hot pa siya sa tanghaling apat" yan ang eksaktong sinabi ko habang papalapit siya sakin.

"Ivan" sabi niya ng magkalapit na kami. Grabe ang sarap sarap ng boses niya eksantong sinabi ko sa isip ko. May mga ibang lalaki na panget sa malayuan pag lapit ay panget talaga pero itong si Jake pota gwapo na sa malayuan mas gwapo pa sa malapitan.

When Can You Tell If You Love Him?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon