Chapter 2

6 2 8
                                    

When can you tell if you love him? - jlcamp

RING!
RING!
RING!

huh? Si Jayson natawag? Bakit naman kaya?

"Oh Jayson napatawag ka?" Sambit ko habang nanguya ako ng aking kinakain.

"Wala lang. Bakit masama na ba mangamusta ngayon?" Matapang na sambit niya sakin.

"Aba loko bakit masama na din ba mag tanong?" Nagtaas na din ako ng boses ko at biglang tumawa si Jayson.

"HAHA! ito naman highblood agad! Hindi yayayain sana kita dito samin chill lang ulit. Kasi ang tagal na nung huling kita natin e" Sambit niya.

"Ayuun.. okay lang naman basta libre mo hahaha"

Nakilalako si Jayson dahil sa Common Friend ng Friend ko. dati madalas kami mag kita dahil ang bahay nila ay malapit lang sa bahay namin tipong isang cartwheel lang ay nasa loob kana ng bahay nila pero simula nung naka bili sila ng malaking bahay sa Makati ay naging madalang ang pagkikita namin dahil na din sa may trabaho ako at sa may trabaho din siya.

Sobrang bait ni Jayson sakin yung mapapaisip ka kung may malisya ba yung pinapakita niya o pakitang tropa lang talaga kaya hindi ko minsan maiwasang kiligin sa loob loob ko.

Dati nga ng magkalapit pa kami ng bahay may isang inumang naganap sakanila tapos kami nalang natira sa inuman. bigla siyang tumayo at pumunta ng cr.

Ang style kasi ng bahay nila dati pag pasok mo ng pintuan nila sa harap mo makikita mo ang sala nila tapos sa kanan hagdan papuntang second floor nila at sa kaliwa naman cr na walang pinto. ang nag sisilbing pintu nila ay tela na makapal. Tapos sa gilid may lamesa na dun kami nag iinoman. So habang na ihi siya bigla siyang nag salita. "Ivan kelan kaba mag aasawa" sabi niya sakin. Ngayon biniro ko siya ang sabi ko "Kahit mamaya din mag hahanap ako ng maaanakan ko" biglang humarap naman si Jayson dahil sa biro ko.

Sa sobrang kalasingan ni Jayson hindi niya pa naipapasok si junjun sa tamang tagaun kaya ang ending nakita ko ang jr ni Jayson. Ng makita niyang nakatingin ako kay Jr casual niya lang pinasok ito kung saan dapat nakatago. Feeling ko nga hindi na niya yun naalala sa sobrang kalasingan niya.

Matapos ang shift ko ay agad na kong pumunta kila jayson. Matagal ko ng kakilala si Jayson pero hindi niya alam na bisexual ako. Siguro nahahalata niya pero parang hindi kasi e. Hindi naman niya ako tinatanong sa kasarian na meron ako.

Masasabi kong gwapo si Jayson. Maputi, kalbo, malaki katawan, matangkad mga nasa 5'7 ganun. E 5'6 lang ako e haha! Ang gustong gusto ko sakanya yung mata at ngipin niya napakaganda hindi nakakasawang tignan.

DING DONG!
DING DONG!

Pag bukas ng gate ay bumungad agad sakin ang isang jayson na walang pang taas at naka boxer lang na gray. Sinasabi ko talaga sayo basta gray ang suot nakaka bakat talaga at masasabi kong dakila din si Jayson gaya ni Jake (Alam niyo na? lahat ng pangalan na nag sisimla sa J mga dakila yan HAHA!)

Napakahayoop sa sarap talaga nitong si jayson! At talagang yan ang ibubungad niya sakin nekeke eser nemen! Char! Haha

"Uy ivan!" Tinawag niya ko ng isang beses at lumingon siya sa likod niya. Na nagtataka kung saan ba ako nakatingin pero ang totoo dun ako naka tingin (Alam niyo na) "HOY!!" Pahabol niya

"Ay sorry tinitignan ko kasi yung tao dun sa dulo naka kulay blue na damit e sino ba yun?" Pagdadahilan ko sakanya. Na agad niyang nilingon kung sino ba talaga yung nakita ko HAHA!

"Aboy ka ako lang andito. Tara na nga! Gutom lang yan."

Mayaman sila jayson. Pag pasok mo palang ng bahay nila tatlong sasakyan agad ang makikita mo. May Mini fountain, Mini garden at mga bulaklak na mahahalata mong alagang alaga sa dilig.

When Can You Tell If You Love Him?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon