NAGISING ako kinabukasan na sobrang sakit ang buong katawan ko. Iginala ko ang aking paningin sa buong paligid. Naalala kong bigla, wala pala ako sa bahay. Wala ako sa kuwarto ko kun'di nasa bahay ako ng isang demonyo. Wala sa sariling napabangon ako bigla para lamang mapagtanto kong wala akong suot ni isang damit, tanging nakatabing lamang sa katawan ko ay ang makapal na kumot. Kikilos na sana ako nang biglang kumirot ang parteng gitna ng mga hita ko. Napangiwi ako sa sakit. Gano'n na lamang ang pagluha ko nang bigla kong maalala ulit ang mga nangyari kagabi. Wala na. Nakuha niya na pala ako. At dahil na rin 'yon sa kagustuhan ng katawan ko kagabi. Hindi ako nakapagpigil at kagaya niya ay tinubuan na rin ako ng init at mapanlinlang na pakiramdam sa katawan. Pero kahit gano'n...dapat hindi pa rin sana ako nag padala. Dapat hindi ako nagpaubaya. Napahikbi na lamang ako ulit sa mga posibilidad na pumapasok sa isip ko. Sa aking muling pag iyak at paghikbi ay muli kong nasilayan ang taong kinasusuklaman ko. Ang taong may kasalanan kung bakit ako nalagay sa ganitong sitwasyon. Iniluwa ito nang pinto.
"Kara..." Seryoso akong napatingin sa mukha niyang nakangit sa 'kin. Mayamaya'y biglang nag laho ang mga ngiti na iyon sa mga labi niya. "Hey! Whats wrong, Kara?" Tanong nito sa 'kin saka lumapit sa puwesto ko.
Agad naman akong lumayo sa kaniya. Kagaya no'ng dati ay nag sumiksik ako sa gilid ng kama."Please po pauwiin mo na ako sa mama ko. Nag mamakaawa po ako sa inyo. Nakuha n'yo naman na po ang gusto n'yo hindi ba? Parang awa n'yo na po sir." Pag susumamo ko sa kaniya sa gitna ng mga paghagulhol ko.
Napatuon ang kamay nito sa ulo niya saka nagpakawala ng malalim na buntunghininga. "Kara, I told you already that I can't take you back home. You're mine now. So it's either you want to stay here with me or not, there's nothing to change. And besides, I-I thought you like what we did last night?" Malumanay na saad nito habang matamang nakatitig sa mga mata ko.
Ramdam ko na naman ang muling paghapdi sa mga mata ko. Mga luhang wala na naman atang balak na humupa sa pagpatak. "Please po."
"Kara please stop crying. Please. I can't see you crying."
Tumingin ako ulit sa kaniya ng seryoso. "Then let me go home."
"Kara..." tila nahihirapang saad nito. Tumingala ito saka muling nagpakawala ng mas malalim at mabigat na buntunghininga. "Get dress and go down stairs. You need to eat." Saka ito humakbang papalabas ng kuwarto.
Bakit ba wala siyang awa sa 'kin? Kung ayaw niya akong nakikitang umiiyak, bakit hindi niya nalang ako palayain at iuwi sa bahay namin? Sa pagod ko kakaiyak. Muli akong nakatulog sa gilid ng kama. Muli lang ako nagising nang may maramdaman akong masuyo at magaan na kamay na humahaplos sa mukha at buhok ko. Napamulat akong bigla.
"Shhhhh. I've been waiting for you down stairs. Hindi ka pa ba gutom?" Tanong nito sa 'kin habang sumisinghot.
Hindi ko alam, sa pangalawang pagkakataon parang pakiramdam ko nawala ulit ang galit ko sa kaniya nang makita ko ang mga luha niyang nag uunahan sa pagpatak mula sa mga mata niya. Imbes na umalis, umatras at lumayo mula sa kaniya; nanatili akong nakahiga sa puwesto ko at hinayaan siyang gawin ang ginagawa niya. Bakit parang nakikita ko sa mga mata niya ang labis na paghihinagpis at kalungkutan? Wala akong mabakas na galit at pagnanasa sa mga mata niya sa mga sandaling iyon. Ibang-iba noong unang beses ko siyang makita.
"S-sir?" Tawag ko sa kaniya sa nauutal na boses.
"Melfoy. I'm Melfoy Ferrer."
Saad nito at nagpakawala ng maliit na ngiti sa 'kin. Hinalikan ako nito sa noo ko saka ito yumuko at niyakap ako ng mahigpit. "Please Kara, don't leave me. I'm begging you. Ikaw nalang ang mayroon ako ngayon." Bulong nito sa punong tainga ko bago ako muling halikan sa buhok ko at pakawalan mula sa mahigpit niyang yakap at tumayo. "Go, take a shower. Get dress and go down stairs. Hihintayin kita." Saka ito tumalikod sa 'kin at lumabas ng kuwarto.
BINABASA MO ANG
PERFECT HUSBAND 1: KaraMel
Romance"Can I own you for the rest of our lives, Kara?" LOVE at first sight. Iyon nga ang nangyari kay Melfoy Ferrer noong unang beses niyang makita si Kara Ignacio. He's willing to do everything just to have her in his life. Magmakaawa ng paulit-ulit. Ma...