CHAPTER 4

4.8K 137 3
                                    

TAHIMIK lang ako habang tinitingnan ko isa-isa ang mga picture na nasa photo album na ibinigay niya sa 'kin kanina. Ako nga ito. Mula sa prenup nang kasal, hanggang sa kunan din ng picture ang ibang mga gamit na susuotin namin. Ako na naka-wedding gown habang nag lalakad sa mahabang pulang carpet. Ang lalakeng kakakitaan ng kakaibang saya at ngiti sa mukha at mga labi habang nag hihintay sa 'kin sa harap nang altar. Napukaw din ang atensyon ko sa isang malaking larawan. Siya habang nasa likod ko at nakayakap ang mga braso sa baywang ko. Ang ngiti niyang abot sa mga mata. Habang ako pilit na ngumingiti sa harap ng camera. Napaiyak akong lalo habang isa-isa kong pinagmamasdan ang mga larawan na iyon. Ano nga ba ang nakaraan ko para saktan ko siya ng gano'n? Hindi ko man maalala ang lahat. Hindi man ako mag tanong sa kaniya, pero kita ko sa mga mata niya kanina ang sobrang lungkot, pangungulila at higit sa lahat ang sobrang sakit na iniinda ng puso niya. Impit akong lumuha. Sobrang sakit ng dibdib ko, ramdam ko 'yong sakit na hindi ko alam kung bakit. Sakit kasi naaawa ako sa kaniya?

Hindi ko na naman namalayan na nakatulog ako ulit sa sofa habang yakap-yakap ko ang photo album na iyon. Nagising lang ako nang maramdaman kong may mga matang nakatitig sa 'kin. Unti-unti akong nag mulat ng mata para lang makita ko siya na nakaupo sa gilid ng center table habang matamang nakatitig sa 'kin. Mga matang nakatitig sa 'kin na puno pa rin ng lungkot at ngayon ay hilam na naman ng mga luha.

"Bakit hindi ka umalis?"

Tanong nito sa namamaos na boses habang sumisinghot at nagpupunas ng mga luha niya. Umupo ako sa sofa upang harapin siya. Tinitigan ko siya. Magulo ang may kahabaan niyang buhok. Namumula at namamaga ang malalalim niyang mga mata. Medyo tumutubo na rin ang mga balbas sa mukha niya. Nahahabag ako sa kaniya. Naaawa ako sa hitsura niya. Hindi mo aakalain na ang isang ganito kaguwapong nilalang ay sobra palang nasasaktan ang kalooban dahil sa pagkabigo sa minamahal.

"Sabi mo ipinangbayad ako ni mama sa 'yo." Malumanay na saad ko sa kaniya.

"Yeah. First time I saw you, aaminin kong nagkaenteres agad ako sa 'yo. I talked to your mom right away. Sabi ko, wala na siyang babayarang utang sa 'kin basta ibigay ka lang niya sa 'kin kapalit lahat ng utang nila. Hindi siya pumayag no'ng una. But few days after, she approached me again. She needs money kaya payag na siya sa gusto ko. I gave what she wanted para lang maging akin ka." Matamang nakatitig ito sa 'kin kung kaya't nababanaag ko pa rin sa mga mata niya ang sakit at hirap habang napapaliwanag ito. Ito na naman ang pag landas ng mga luha sa mata ko. Katulad niya ay umiiyak na rin ako sa harapan niya. "No'ng araw na inihatid ka ng mama mo sa office ko, sabi mo tutol ka kasi mahal mo ang boyfriend mo. Gustong-gusto kita Kara, masiyado akong desperado no'ng mga panahong iyon kaya lahat ginawa ko para lang maging akin ka. Kahit nag mumukha na akong tanga sa harap ng maraming tao tuwing ipagtatabuyan mo ako at mas pipiliin mo pang sumama sa lalakeng iyon. Tinanggap ko... tinanggap ko lahat ng kahihiyan, nilunok ko pati pride ko para lang umasa na isang araw, ako naman. Ako naman ang pipiliin mo. Nasa 'kin ka naman lalapit at sasama. Kara, lahat ng 'yon ginawa ko para sa 'yo kasi noon pa man mahal na kita. Na kahit paulit-ulit mo man akong ipagtabuyan at paulit-ulit mo akong talikuran, na kahit ilang beses man akong mabigo at masaktan, ayos lang. Ayos lang Kara...kasi hindi naman ako nawawalan ng pag-asa, patuloy akong umaasa at nangangarap na darating din ang araw na ako naman, ako na talaga, na kusa ka nang lalapit sa 'kin at sasama. Umaasa na magagawa mo na ring sabihin sa 'kin ang mga katagang inaasam ko. Na mahal mo na rin ako. Na ako na ang pinipili mo at hindi na siya."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mas lalo akong naiyak. Mas lalong lumakas ang paghagulhol ko. Kita ko ang mabilis na pagtaas baba ng mga balikat niya dala sa malakas na pagiyak. Sobrang bigat na ng dibdib ko habang nakikita ko siyang sobrang nag dudusa at nasasaktan. Anong klaseng tao ba ako? Bakit ko hinayaan na masaktan ang lalakeng ito na wala naman ibang ginawa kun'di ang mahalin lang ako? Ang laki ko palang tanga noon. Nasa harapan ko na ang taong tapat na nag mamahal sa 'kin at handang gawin ang lahat pero binaliwala ko lang siya. Nasaan ang lalakeng mas pinili ko noon? Ang lalakeng sinasabi kong mahal ko noon? Wala siya hindi ba? Pero itong lalakeng ito...siya ang lalakeng nasa harapan ko ngayon na kahit ilang beses ko nang nasaktan ang puso at damdamin niya, ito siya at patuloy na minamahal ako. Wala akong magawa kun'di umiyak lang din dahil kahit ako man hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin.

"Kara please. P-please stop crying Kara. I don't want to see you crying please."

Mas lalo lang ako naiyak. Siya itong sobrang nasasaktan dahil sa 'kin pero ako pa rin ang iniisip niya at ayaw niya akong makitang umiiyak.

"Kung umiiyak ka dahil naaawa ka lang sa 'kin. You dont need to Kara. Pinapalaya na kita, kahit masakit at mahirap. The door is open at hindi kita pipigilang umalis. Just go Kara. I'm setting you free. Ayoko lang na patuloy kang nasasaktan dahil sa 'kin."

Sobrang sakit na ang binibigay niya sa puso ko. Hindi ko na talaga kaya. Sasabog na ako sa sobrang sakit at bigat ng dibdib ko. Tumayo ako sa sofa at dali-daling lumapit sa kaniya. Niyakap ko siya ng mahigpit at doon sa dibdib niya patuloy na umiyak. Pareho kaming napahagulhol ng malakas. Ramdam ko ang pagganti niya ng yakap sa 'kin. Yakap na kay higpit.

"ARE YOU OKAY NOW?" Tanong nito sa 'kin at inabot ang isang baso ng tubig. Tumango ako sa kaniya bilang tugon habang nakaupo sa dulo ng sofa. Umupo rin siya sa kabilang dulo niyon. Katahimikan ang bumalot sa pagitan namin. Mayamaya'y lumingon ako sa kaniya.

"I'm sorry..." Mahinang saad ko sa kaniya pero sapat na 'yon para marinig niya ng malinaw.

Nagbaling ito ng tingin sa 'kin. Walang ekspresyon sa mukha at mata niya ang makikita.

"You don't need to Kara. I'm setting you fr—"

"I choose to stay here kahit wala akong maalala sa lahat ng mga ipinagtapat mo sa 'kin kanina." Putol ko sa iba pa niyang sasabihin. "Hindi ko man alam at hindi man ako sigurado kung alin at kung ano ang totoo sa lahat ng mga nangyari sa 'tin noon, sapat na para sa 'kin 'yong sakit at mga luhang nakita ko sa mga mata mo. Iyong bigat ng kalooban mo para maramdaman ko 'yong sakit dito sa puso ko. Nasasaktan ako kasi nararamdaman kong totoo. Totoo na ako ang dahilan kung bakit ka nagkakaganiyan. I'm sorry kung masyado kitang nasaktan noon. Kung hindi ko pinahalagahan at binaliwala ko lahat ng pagmamahal mo para sa 'kin. I'm sorry for causing you so much pain."

Ayoko ng umiyak e! Sobrang sakit na kasi sa mga mata at nang lalamunan ko. Pagod na ako kakaiyak. Suko na rin ata ang mg luha sa mata ko sa sobrang dami na nitong nailuha kanina at sa mga nag daang araw. "Pero siguro, kaya nangyari 'to lahat kasi may dahilan. Siguro ito na 'yong tamang panahon para humingi ako sa 'yo ng tawad at pagbayaran ko lahat ng mali at kasalanan ko sa 'yo."

"Hindi mo kailangan na pagbayaran ang lahat ng sakit na naidulot mo sa 'kin noon Kara. Alam ko naman na hindi mo sinasadya 'yon. Hindi mo rin ginusto 'yon. Sinunod mo lang ang sinasabi ng puso mo na mas magiging masaya ka kung pipiliin mo ang taong mahal mo. Kung ako ang nasa sitwasyon mo noon pareho lang din ang gagawin ko. I'm sorry kung naging makasarili man ako. Mahal lang talaga kita."

Bakit kasi napaka unfair ng mundo? Bakit kailangan pang may masaktan kung ang intensyon lang naman nila ay mag mahal at iparamdam sa taong 'yon ang tunay na nararamdaman at pagmamahal nila? Hindi ba puwedeng, kung mahal o gusto mo ang isang tao ay gano'n din dapat ang maramdaman niya para sa 'yo? Para masaya lang at wala ng iiyak at masasaktan dahilan sa pag-ibig na 'yan. Siguro nga masyado lang ako nabulag sa pagmamahal ko do'n sa taong sinasabi kong mahal ko noon. Na kahit ilang beses na akong makasakit ng damdamin ng ibang tao ay okay lang sa 'kin basta ang mahalaga ay masaya ako sa piling ng mahal ko. Siguro nga gano'n talaga ang pag-ibig. Hindi sa lahat ng oras at panahon na kapag mahal mo ang isang tao ay dapat mahal ka rin niya. Na kapag gusto mo ay dapat gusto ka rin niya. Gano'n ang buhay e! Hindi sa lahat ng oras o panahon ay masaya ka lang. Hindi sa lahat ng oras o panahon ay nakangiti at tatawa ka lang. Darating din ang panahon na tatangis ka dahil sa sobrang sakit at bigat na mararamdaman ng iyong puso.

"Maybe it's not too late to start for our new life, right? Mapapatawad mo pa ba ako?" Tanong ko sa kaniya. Napatingin naman ito ng diretso sa mga mata ko. Mga matang malamlam na ngayo'y hindi ko mabasa kung ano ba talaga ang nilalaman. "Ikinasal na tayo hindi ba?" Tanong ko ulit sa kaniya kahit tapos ko naman na makita ang photo album na ibinigay niya sa 'kin. Tumango naman ito.

"Mahal kita Kara, kahit kailan hindi ako mag tatanim ng galit o sama ng loob sa 'yo. Kaya hindi mo na kailangan na humingi ng tawad."

"Pero gusto ko. Gusto kitang makilala. I want to make things right." Nakatitig lang ako sa mukha niya. Mayamaya ay unti-unting lumiwanag iyon. Unti-unting nawawala ang lungkot at sakit na nakikita ko sa hitsura at mga mata niya. Ngumiti ito sa 'kin ng bahagya.

"S-sigurado ka Kara?" Paninigurado nitong tanong sa 'kin. Umusod ako ng upo malapit sa kaniya.

"Minsan na akong nagkamali noon, kaya sigurado na ako ngayon."

Hindi ko alam kung bakit biglang kumilos ang kamay ko at humawak sa kamay niyang nasa tuhod niya. Masuyo ko iyong pinisil. Napatingin naman siya sa mga kamay naming magkasalikop pagkuwa'y tumingin ulit sa 'kin at ngumiti.

"Tulungan mo akong maalala ang nakaraan ko. Para mabigyan ng sagot ang lahat ng mga tanong na nag lalaro sa isipan ko ngayon. Please..." Pagsusumamo ko sa kaniya. Nagulat naman ako sa sunod na ginawa niya sa 'kin. Umayos ito ng pagkakaupo at humarap sa 'kin. Pagdakay bigla akong niyakap ng mahigpit.

"Thank you Kara. Thank you for staying here with me. Thank you for choosing me kahit ngayon lang. Mahal na mahal kita Kara... I love you so much." Saad nito habang banayad na humahagod ang kamay sa likuran at sa buhok ko. Ramdam ko ang paulit-ulit na paghalik niya sa ulo ko. Ang mainit at mahigpit niyang yakap sa 'kin.

Hindi ko naman magawang sumagot sa kaniya kasi kahit ako hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat na sagot sa mga binitawan niyang salita.

PERFECT HUSBAND 1: KaraMel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon