CHAPTER 5

4.9K 127 5
                                    

NAPABITAW ako sa pagkakayakap sa kaniya nang biglang tumunog ang cellphone niyang nasa bulsa ng kaniyang pantalon. Sumisinghot pa itong dinukot niya iyon at tiningnan ang screen bago iyon sinagot at dinala sa kaniyang tainga.

"Hello. What? I thought we had this clear conversation about that concern. Yeah. Okay just give me a minute and I'll be there." anito saka pinatay ang tawag mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng lungkot nang malaman kong aalis siya, akala ko kasi makakapag-usap pa kami ngayon. "I have an emergency meeting at the office. I'll be back. Saglit lang ako roon. Just wait for me, okay?" Saad nito. Napatango na lamang ako kasabay ang pag guhit ng pilit na ngiti sa mga labi ko. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at nag lakad papasok sa kuwarto, mag bibihis ata. Mayamaya nakatunganga lang ako sa kawalan nang bigla kong marinig ang boses niya sa harapan ko. "Please, stay and wait for me okay." Masuyong saad niya saka ako hinalikan sa noo at niyakap.

"I will. Hihintayin kita." Nakangiting sagot ko sa kaniya. Nakita ko naman ang pag guhit ng ngiti sa mga labi niya nang kumalas ito sa 'kin. Matamis na ngiti na ngayon ko lang nakita sa kaniya.

Banayad na humaplos ang kamay niya sa mukha ko bago tuluyang tumalikod sa 'kin at lumabas ng condo niya. Pakiramdam ko gumaan ang dibdib ko ngayon. Para akong nabunutan ng malaking tinik sa puso ko. Dati kasi ramdam kong laging puno ng problema at lungkot ang buong pagkatao ko. Tama lang naman siguro ang ginawa ko hindi ba? Ang manatili sa tabi niya ngayon. Para mabayaran ko lahat ng kasalanan ko sa kaniya at para na rin makabawi sa pagkukulang ko sa kaniya bilang asawa niya. Hindi naman masama kung bibigyan ko ng pangalawang pagkakataon ang mga sarili namin na maging masaya hindi ba? Ito na siguro ang tamang panahon para maging okay na kami.

WALA NAMAN AKONG magawa rito sa condo niya habang nag hihintay sa pagdating niya kaya inubos ko nalang ang oras ko sa pagtingin-tingin nang mga picture namin sa photo album niya. Hindi ko na namalayan ang oras. Nakatulog ulit ako sa sofa. Naalimpungatan lang ako nang pakiramdam ko ay lumulutang ako at may matigas na mga braso ang nakapulupot sa baywang ko. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko siyang nakatingin sa 'kin habang dahan-dahan na nag lalakad papasok sa kuwarto. Sobrang lapit namin sa isa't isa. Nakapilig ang ulo ko sa dibdib niya kaya rinig na rinig ko ang malakas na pagtibok ng kaniyang puso. Amoy ko rin ang panlalake niyang pabango. Hindi masakit sa ilong.

"I'm sorry kung nagising kita sa pagkakatulog mo." saad nito saka ako dahan-dahan na ibinaba sa kama nang tuluyan na kaming makapasok sa silid niya.

"No it's okay. Ngayon ka lang?" Tanong ko sa kaniya habang inaayos nito ang kumot sa katawan ko.

"Yeah. I'm sorry if I'm late. Nakatulog ka na kakahintay sa 'kin."

"Okay lang. Kumain ka na ba?" Hindi ko alam, pero ang sarap pala sa pakiramdam na ganito kami ngayon. Kanina at kahapon lang nag-iiyakan kaming pareho at puro galit ang nararamdaman ko sa kaniya, pero ngayon para akong umaasta na asawa niya. Well, asawa ko naman talaga siya. Iyon ang pagkakaalam ko.

Ngumiti ito sa 'kin saka ako hinalikan sa pisngi ko. "Tapos na. Ikaw? Nagugutom ka ba? Gusto mo ipagluluto kita ng dinner."

"Hindi na. Busog pa naman ako. Magpahinga ka na."

"Okay. Good night Kara." anito at hahakbang na sana palabas ng kuwarto pero tinawag ko siya.

"M-melfoy. Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kaniya.

"A, sa couch na ako matutulog. Ikaw na diyan."

"Bakit doon? Malaki naman ang kama mo! Share na tayo." Tinapik ko pa ang kabilang side nang hinihigaan ko para palapitin siya. Kita ko naman ang pagaalangan sa hitsura niya.

Kahit ako nahihiya rin sa kaniya at kinakabahan na tumabi sa kaniya pero wala naman akong magagawa. Mag iinarte pa ba ako e, nakuha na nga niya ako?

PERFECT HUSBAND 1: KaraMel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon