Salamat at day-off ko ngayon! Isinuot ko ang tsinelas dahil nais kong bumaba at mag pa hangin sa may pool area dito sa Camella Condo Homes Davao City. Masasabi kong maganda ang lugar at hindi ako nag kamali dito bumili nang condo unit sa anim na buwan na pag tatrabaho ko. Unang gantimpala ko para saking sarili sa pagiging isang matagumpay na chef sa isang sikat na restoraunt sa lungsod.

Lumabas na ako at sinara ang pinto. Nakita ko ang aking kapitbahay na si Jim kasama ang aso nyang si Zoey. Isa siyang masayahing bata at napakabait. Hindi ko alam pero ang lapit ng puso ko sa mga bata. Kilala ko narin ama nya na single parent dahil namatay ang Ina nya nung bata pa siya.

"Hi Jim! Kamusta ka ngayon?" mainit na pagbati ko.

"Okay lang naman ako Kuya Axl. Saan po kayo pupunta? Hawak hawak nyo po susi nyo?" tanong nya sabay tingin sa kamay ko.

"Ah! Pupunta ako sa pool area. Gusto mong sumama?" pag aaya ko sakanya.

"Ho? Sige! Iiwan ko lang si Zoey sa loob saka papaalam ako kay Daddy." Tuwang-tuwa nyang tugon sabay gulo ko sa buhok nyang kay lambot.

Bumaba na kaming dalawa at tumungo sa pool. Masayang naliligo si Jim at ako naman panay kuha sakanya ng litrato habang nakaupo lang sa bench. Maya-maya't may dumating na babae at umupo sa kabilang bench. Mukha siyang bagets at bata pa. Makinis at maputi at syempre maganda. Ngunit parang di siya maliligo at tiningnan lang ang batang lalake kalaro ni Jim sa pool. Mukhang binabantayan nya ito. Sa tingin ko kapatid nya ito.

Hinayaan ko lang si Jim maligo sa pool kasama ang bago nyang kaibigan. Hindi sa tsismoso ako o ano pero pansin kong malungkot ang babae. Gusto siyang tanungin pero baka naka iistorbo ako. Nanood nalang ako ng cooking shows sa youtube. Nang malapit ng mag 1hour pinatigil ko na si Jim sa pagliligo.

"Jim tama na. Let's go?" banayad kong tanong.

"Ayy sige Sam sa susunod na lang." paalam nya sa bago nyang kaibigan na ang pangalan ay Sam.

"But I wanted to play with you more.." lungkot na tugon nung Sam.

"Then why don't you invite him anyway at your birthday party later?" biglang sabat nang babae.

"Really Mom?!"

"Yes, anak."

Anak nya pala si Sam. Ang bata nya pa para mag karoon ng anak dahil sobrang bata pa ng mukha at katawan nya. Pero para silang magkapatid talaga. Tiningnan nya ako at nagpakilala.

"Im Astrid. Your uhm Son is invited to my Son's birthday party."

"No, hindi ko siya anak. Im just a family friend—"

"Nothing's changed. You are still invited. Building 2, room 409. Thank you." Sabi nya at ngumiti.

Sa pag ngiti nya masasabi kong ang ganda nya. Ang kulay kayumanggi nyang mga mata at naumulang pisnge. Her eyes were breath taking. Ang ganda. Hindi ko alam pero kahit nakangiti siya makikita ko parin na malungkot siya. Tumingin siya sa anak nya at inabot ang tuwalya.

Nakakabinging KatahimikanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon