Sa tingin ko gusto nyang ipakita sa anak nyang matatag siya pero hindi na ako nakialam at tumungo na sa unit ko sa building 1, room 608 habang kina Jim ay kasunod ko lang na room 609. Binihisan ko ang sarili ko at sinabihan ko narin si Jax na may birthday kaming pupuntahan. Tumungo na kami sa unit nila.Pag pasok ko akala ko napakaraming batang bisita ngunit tatlo lang sila. Pangatlo na doon si Jim at dalawang batang babae. Pero ang unit nya ay punong-puno ng dekorasyon at makukulay na party packs at balloons. Masasabi kong pinaghandaan talaga ang birthday na ito kaso wala masyadong bisita.
Umawit na kami ng 'Happy Birthday' para kay Sam at tuwang-tuwa siya. Nakangiti rin ang ina nyang si Astrid at batid kong tunay ang mga ngiti nya di gaya kanina. Siguro ang anak nya lang ang nakakatanggal nang pagod at problema nya. Kumain na kami habang masayang nag uusap.
"Hindi ko nga pala natanong pangalan mo?" tanong ni Astrid sakin.
"Ang pangalan ko ay Axl." Ngumiti ako dahil na imbitahan kami sa isang selebrasyon at hindi nya alam pangalan ko.
Medyo nailang ako dahil tinitigan ako ni Astrid ng medyo matagal. Tinitigan ko rin siya pabalik. Sino bang hindi mahumaling sa mata nyang kulay kayumanggi at pilik matang kay kapal.
"Hoy!" sigaw ng babaeng bisita na may anak na dalawang babae. "Love at first sight?!"
Inalis ko ang mga mata kong nakadikit sa mga mata nya. Umiling-iling ako at tumawa. Ang akward tuloy. Tumawa rin si Astrid at uminom ng juice.
Nag-laro lang kaunti sina Jim at Sam at bumalik na kami sa unit namin. Hindi ko alam pero buong gabi kong inisip ang mukha at lalo na ang mga mata ni Astrid. Nag timpla nalang ako nang gatas at natulog . Kinaumagahan balik na ako sa normal na gawain ko. Naligo at kumain na ako ng maaga dahil mag ta-trabaho pa ako. Pasakay na ako sa kotse ko nang Makita ko si Astrid na palabas sa gate nang Camella Condo Homes.
"Astrid! Saan ka papunta?" tanong ko.
Lumingon siya at ngumiti.
"Sa work place ko. Bakit?"
"Ano? Hatid na kita?" aya ko.
"Ha? Baka maabala pa kita. Hindi na.."
"No, it's okay. Tara na hatid na kita."
Tiningnan ni Astrid ang sasakyan ko ng ilang segundo at pumayag na ngang ihatid ko. Na pag-alaman kong may-ari siya nang isang convenience store at nag-aaral si Sam sa isang pribadong paaralan sa lungsod. Medyo may-kaya pala si Astrid at makikita kong masipag siya sa mga bagay-bagay.
"May asawa kana?" hindi ko maiwasang mag tanong nang di ko alam kung bakit.
Bigla siyang natahimik at wari kong baka masayadong personal iyon.
"Okay lang naman kung hindi mo sasagu—"
"Wala na kami matagal na. K-Kinalimutan ko na siya." Mahinhin nyang sabi.
Tiningnan ko siya. She looks uneasy. May tinatago ang mga mata nya.
Binago ko nalang ang topic nang pag-uusap namin at hindi na ako nag tanong ng mga personal na mga bagay pa. Buong byahe akong nakangiti at ganon din siya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko tuwing kausap ko siya. Kahit maliit na mga joke tinatawanan naming dalawa. Sobrang sarap sa tainga ang mga tawa nya. Bumaba na siya ngunit gusto ko pang kaasama siya. Pero sinimulan ni Astrid ang araw ko na masaya. Ilang araw na din pabalik-balik kami ni Astrid na mag kasabay. Lagi na kaming nag cha-chat at kinukumsta ang isa't isa. Dinadalhan ko rin siya ng mga pagkaing niluluto ko na malamang ay galing sa puso. Sabay nadin kami minsan kumain sa labas kasama si Sam. Hindi na ako mag sisinungaling pa, napamahal na ako kay Astrid. Sobra. Hindi ko na kayang mapahiwalay sa pagkatao nya at gusto kong makasama araw-araw. Syempre tanggap ko narin si Sam nang buong puso ko at tatratuhin ko siyang bilang isangtunay na anak.
Kumain kami ng dalawa lang dahil si Sam ay may klase. Nais ko nang aminim ang nararamdaman ko sakanya.
"Astrid.."
"Hmm?" tanong nya habang patuloy na kumakain.
"Gusto kita."
Parang nabulabog ang pagkatao nya dahil sa gulat. Napangiti ako dahil sa reaksyon nya. Sinabi rin ni Astrid na gusto nya ako pero di muna kami mag madali sa mga bagay-bagay. Sang-ayon naman ako sa sinabi nya at kaya kong mag hintay. Ilang buwan nadin kaming nagging close at sweet ni Astrid sa isa't isa.
Ngunitmay napansin lang ako sakanya tuwing hinahawakan ko ang bewang o kahit kamaynya ay naiilang siya at pinapatanggal nya iyon sakin. Tuwing kaming dalawa langsa isang silid ay umaalis agad siya o dadalhin nya kami sa mataong lugar.Nagtataka narin ako sakanya at kahit 9 months na kami walang kahit anong nangyarisaamin kahit halik man lang. Hindi sa nagmamadali ako pero sobra naman ata yungpag hawak at halik sakanya. Pareho na kaming may trabaho at nasa tamag edad.Sinabi ko narin sakanya at kaya kong mag hintay pero sobra na ata yung ganito. Ayawkong mag-away kami ni Astrid dahil sa ganitong bagay. Kailangan baguhin ko angmindset ko. Tinatanong ko rin siya lagi at sabi nyang may tiwala naman siyasakin. Baka hindi pa siya handa o ano.