Napahilamos ako sa mukha nang makita kong umaga na. ilang beses kong minura ang sarili ko dahil naka tulog ako sa mini bar nang resort. Mabilis akong pumunta sa room namin kahit sobrang sakit nang ulo ko pero pag dating ko don wala na sila. Wala na si Astrid at Sam. Napaupo ako sa kama dahil sa katangahang ginawa ko. Lalo na ngayon at alam ko na ang problema ni Astrid! Inis na inis ako sa sarili ako dahil imbes na pigilan at tulongan siya nag paka lasing ako at hinayaan siya! Pero napatingin ako sa mesa at may papel na naiwan.





"Pasesnsya ka na sa lahat nang ngawa ko Axl. Alam kong sobrang sakit

Nang mga sailtang nasabi ko. Pero wag kang mag-alala di na yun mauulit pa.

Nais kong mag pakalayo para sa mkabubuti sa ating dalawa. Mahal kita pero di tayo

para sa isa't isa. Salamat sa lahat Axl. Mahal ka naming dalawa ni Sam."





          Nangyari na ba? Talaga bang umalis na siya? Hindi ko na maramdaman pagkatao ko dahil sa sakit na nararamdaman. Wala akong gana sa mga bagay-bagay. Maging sa trabaho, mga layunin, at mga pangarap ako. Nandito parin ako hulog na hulog sa babaeng iniwan ako. Handa ko siyang tanggapin kahit sino man siya. Dahil ganon ang pagmamahal at mahal ko siya. Talagang di nya lang ako binigyan ng pagkakataon para masabi na tatanggapin ko siya kahit ano pa man estado nya sa buhay.

Pumunta ako sa condo unit nila ilang beses na pero wala na sila don. Biglaan din daw ang pag-sara nang convenience store nya. Hindi na siya sumasagot sa tawag ko. Wala rin siyang kilala. Sa tingin ko nag-tatago sila palayo sa kanyang pamilya. Siya si Astrid Zamora. At alam ko din naman na si Mr. Dennis Zamora ay isa sa mga hinahanggan kong business man sa Pilipinas. Patay na ang Ina nya ngunit wala masyadong lumalabas sa internet na anak nya. Siguro gusto nila ng privacy.

Bobo ba ako o ano!?

Dahil talagang mag kamukha si Mr. Dennis at si Astrid! Ni minsan di ko kasi siya tinatanong ng mga personal na tanong sa buhay nya dahil naiilang siya at ngayon alam ko na. Alam ko nag anon ka laki ang problema nya.

Pero alam nyo yung nakaktuwa? Yung nagiging matatag siya para sa anak nya. Umaakto siyang wala siyang rpoblema pero sa loo bang hina hina na nya. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa lahat nang nagawa ko. Ngayon wala na akong magawa kundi mangulila sa babaeng pinakamamahal ko at anak ko. Siguro ito ay isang palatandaan na hindi lahat nang tao na ngumingiti ay masaya kaya lagi natin kamustahin ang isa't isa.

Hindi ko rin maitatanggi na na mi miss ko si Sam. Heto ako ngayon, nangungulila sa babaeng pinakamamahal ko. Babaeng walang ibang ginawa kundi gawing baliw ang puso ko gamit ang ngiti nya. Babaeng walang ibang ginawa kundi patibukin ang puso ko.

Wala na akong maramdamn kundi pangungulila at kalungkutan. Ang buhay ni Astrid ay nakakabingi pero pinapakita nyang tahimik lang ang lahat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nakakabinging KatahimikanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon