Inaya ko siyang outing sa Island Garden City of Samal (IGACOS) sa isang magara at engrandeng resort. Galak siyang pumayag pero isasama nya si Sam at sumang ayon naman ako. Gusto kong mag outing kasama ang babaeng nakapag-sasaya saakin. Ang babaeng bubuoin ang araw ko.
"Are you good na Sam? Just be behave with Tito Axl okay?" sambit nya kay Sam.
"Yes po Mommy! Tito let's go! Im excited na!" ngiti ngiti nyang sabi.
Napatawa ako dahil ang tamis nyang magsalita.
"Okay, go ahead in the car. Susunod lang ako." Sabi ko at ginulo buhok nya.
"By 6:00 pm I'll be there." Sabi ni Astrid sakin.
"Okay, just be safe okay? Text me always." Ngumiti ako.
Nakarating na kami ni Sam sa aming destinasyon at buong byahe nanaman akong nakangiti dahil sobrang kulit at nasasabik na siyang lumangoy.
"Sir which room will you get?" tanong sakin nang staff matapos nyang sinabi lahat nang rooms.
"Yung good for three? Separated yung beds." Tugon ko.
Pagkatapos kong magpa-book agad na nag bihis si Sam ng swimming costume nya. Patalon-talon pa siya kung mag lakad dahil sabik na sabik na ito. Hinatid ko siya sa kiddie pool at kinuhanan ng litrato. Umupo lang ako sa may tapat habang binabantayan siya. Habang minamasdan ko si Sam tumataba ang puso ko. Pakiramdam ko isa na agad akong ama na nagmamahal sa isang tunay at paboritong anak. Di ko tuloy maiwasan maisip kung saan ang ama ni Sam. Pero hindi ko na ito kailanman tinatanong kay Astrid. Natatakot akong baka masyadong personal iyon lalo na't wala kaming label. Iilang oras nang naliligo si Sam sa pool pero di parin siya napapagod. Pero ilang oras pa alam kong pagod na siya kaya binihisan ko siya at pinakain agad naman itong natulog kadahilanan sa pagod. Minamasdan ko lang ang mukha ni Sam hanggang may kumatok sa pintuan. Si Astrid.
Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang maaliwalas na mukha ni Astrid. Pumasok siya at inilibot ang paningin.
"Nag pa book ka ba ng room para sa aming dalawa ni Sam? I'll pay for it don't worry." Sabi nya.
"Hindi ako nag pa book dito ka nalang matulog. Besides separated naman yung beds, nothing will happen—""Hindi ako dito matutulog! I can't!"
"Why? The place is good why bother to sleep here?"
"Ba't ba kasi parang inuunahan mo ako?"
"No Astrid I am not. Im just questioning you, bakit ka pa mag bo book?"
"Cause I don't want to. Simple as that. Im sorry but im gonna get Sam—"
Pupuntahan na nya sana si Sam pero hinawakan ko braso nya at tiningnan ang mukha nya. Tiningnan nya ang kamay ko sa braso nya at nakikita kong puno ng kaba at tensyon ang pagkatao nya.
"A-Anong gagawin mo? L-Lumayo ka! " kasabay non ang pag tulak nya sakin ng malakas dahilan para mapaatras ako onti. Tiningnan ko siya sa mata.
"Wala ka bang tiwala sakin Astrid? The whole time I've been asking you at palagi mong sinasabing oo pero ngayon? Astrid I am not that guy on your mind! I can wait! Kahit kelan dikita pinagnasahan at alam mo yon! Hindi ako ang lalakeng habol lang ay-"
"S-Stop." Huminga siya ng malalim at nag simula nang tumulo ang mga luha nya dahilan para mapatigil agad ako.
Sobrang bigat ng nararamdaman ako. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa aming sitwasyon. Wala ba siyang tiwala? O sobrang hindi ka aya-aya at bastos ako tingnan? Sobrang baba na tuloy tingin ko sa sarili ko. Wala siguro siyang tiwala sakin . Ano bang magagawa ko? Wala kaming label. Pareho kaming dalawa kumalma. Humiga siya katabi ni Sam dahilan nagging bakante ang isang kamang naiwan. Mukhang natulog na ata siya. Gusto ko rin naman matulog pero ayaw ng isipan ko. Di maalis sa isip ko ang pag tulak mga salita ang buong nagyari kanina. Dinala ako ng isip ko kung saan saan habang nakatingin sa kisame pero nabuhayan ako ng may humihikbi akong narinig.
"Please wag.. No please.."
Napabalikwas ako at tiningnan. Si Astrid ito. Tumulo ang mainit nyang luha sa mapupula nyang pisnge. Hinawakan nya ang kumot nya ng mahigpit habang umiling-iling at umiiyak. Para siyang naninigas at nakaramdam agad ako ng kaba.
"No.. Please.. Daddy.."
Nataranta ako kaya dali-dali kong inalog ng malaks ang balikat nya para magising siya sa bangungot nya. Dumilat ang kanyang mga mata at laking gulat nya nang makita ako. Napakabilis ng pangyayari at may naramdaman nalang akong mainit sa aking pisnge. Pak! Sinampal nya ako."A-Anong ginagawa mo sakin?!" habol hininga nyang sabi.
"Ba't moko sinampal?" kalmado at nag pipigil ng emosyon kong sabi.
"Lumayo ka sakin! Tama nga siguro ang hinala ko! Wag na wag mo akong hawakan!" pag sisigaw nya ngunit sa kabila don di parin nagising si Sam dahil sa pagod.
Nanlumo ako sa bawat katagang lumalabas sa bibig nya. Tama rin ang hinala ko Astrid wala kang tiwala. Sa karami raming beses kong pagtanong sakanya palaging oo ang sagot pero base sa pinapakita nya? Para akong binagsakan ng langit at lupa. Tiningnan ko ang mga mata nya at nakita ko unti-unti don ang pagsisisi at dismaya sa sarili. Itinulkak nya ako at lumabas siya sa kwarto. Kinuha ko ang susi at pansamantalang iniwan si Sam upang habulin siya. Hinabol ko siya nang hinabol. Ayoko ng nagkakaganito kami gusto ko nang magka-ayos na kami at ang tanging susi don ay ang maayos na pag uusap.
"Astrid! Im sorry! Ayusin na natin to!" paulit-ulit kong tawag sakanya ngunit patuloy parin siya sa pag takbo palayo sakin.