Nakaabot kami sa isang lugar na hindi masaydong puntahin ng mga tao. Huminga muna siya nang malalim at tiningnan ako. Nakita ko ang walang kulay at puno nang luha nyang mukha.
"Sige anong gusto mo sakin? Katawan ko? Katawan ko? Sige! Sige!" pag sisigaw nya dahilan para halos maluha narin ako.
"Astrid wala akong ideya kung anong nangyayari sayo—" mahina kong tugon ngunit pinutol nya ito.
"Kahit na bigyan kita nang ideya hinding hindi mo maiintindihan ang sitwasyon ko.." mahina at walang gana nyang sabi.
Ginapangan ako nang matinding pagkaawa sakanya kahit na hindi ko alam kung anong nangyayari. Pero alam kong sobrang bigat ng pakiramdam nya. Gusto ko siyang yakapin at alagaan.
"Astrid! Ano bang nangyayari sayo?"
Wala akong nakuhang sagot kundi iling at hikbi lang. talagang ang bigat na nang pakiramdam nya."Iwan mo nalang ako.." sobrang hina nyang sabi.
Hindi ko mapigilan mapaiyak narin dahil sa pangyayari. Buhay ko kung wala si Astrid ay di kumpleto at kailanmay di magiging perpekto ang bawat araw ko kahit ilang tagumpay pa ang dadating.
"Hindi ko kayang gawin yan." Matigas kong sabi.
"Kahit na.. Hindi mo ako matatangap.." walang buhay nyang sabi.
"Ganno ba talaga kahirap sabihin ang problema mo—"
"At gaano din ba kahirap na sabihin na ang anak mo ay kapatid mo rin!" sigaw nya.
Na estatwa ako at parang binuhusan nang malamig na yelo. Halos di mag proseso ang mga salita na nilalabas sa bibig nya sa utak ko. All this time si Sam?
"Gaano ba kahirap sabihin na basta't basata ka nalang hahawakan sa mga pribadong parte ng katawan mo? Hinalay, sinaktan, binaboy. Binaboy ako Axl.. Gusto ko lang naman atang sumaya diba? Pero bingyan ako ni Daddy ng anak!"
Hindi ako makagalaw. Talagang di ako makapaniwala sa mga nangyayari. Gusto ko siyang kausapin pero di ko magawa. Parang umuurong dila ko at mag pandikit mga paa ko.
"Ano? Naawa ka? Nandidiri ka?" mapait siyang ngumiti.
"H-Hindi.." hindi agad ako nakasagot.
Mapait siyang humalakhak."See? Nalaman mo na ang pagkatao ko ngayon tatanggihan at iiwanan mo na ako."
Pagkatapos ng mga katagang yun nilagpasan nya ako. Sinabi nyang di ko siya pipigilan at sinunod ko naman. Alam kong kailangan nya ng 'space' para sa sarili at anak nya. Sobrang dami nyang dinadala ayaw ko ng dumagdag pero hindi ibig sabihin non na iiwan ko nalang siya. Kakausapin ko parin siya. Umorder ako nang kahit anong maiinom. Gusto kong makatulog at panandaliang makalimot. Pero dahil sa nasarapan ako at nadala sa lasa nang alak, dumagdag at dumagdag pa ako nang maiinom. Hanggang sa nag simula nang umikot ang aking paningin at nawala na ako sa aking huwisyo.