2

26 0 0
                                    

PAGKATAPOS sabihin nito na may bisita at malaman ang pangalan ay agad hinubad ni Riana ang apron saka sinabit ito. Napabuntong hininga ito para pakalmahin ang kanyang sarili. Ilang segundo pa ay lumabas na ito saka nagtungo kung saan naghihintay ang bisita niya. Tumayo kaagad ang lalake ng makita nyang palapit si Riana sa kanya .



“Arya..!!” Tanging nasabi nito kay Riana.



Ilang taon din nyang hindi narinig ang Arya mula ng mawala ang lalakeng ito. Siya lang ang tumawag kay Riana sa palayaw na 'yan.



“M-maupo ka.” wika niya kay Riana.



Hindi alam ni Riana kung saan siya magsisimula. Ang dami niyang tanong noon kung bakit siya iniwan ng lalakeng ito. Biglang bumalik lahat ng alaala niya sa lalakeng minsan na niyang minahal noon.



“Arya--”



“Anong kailangan mo?” malamig at walang reaksyon nitong tanong sa katapat niya.



Gulat siyang napatitig sa babaeng kausap niya ngayon. Hindi ito makapaniwala dahil sa boses nitong mas malamig pa sa yelo at kung magsalita ay wala ng kagana-gana.



“Gusto kong humingi ng patawad sa'yo dahil iniwan kita noon. Patawad dahil sinaktan kita noon. Patawad kung hindi ako nag-iisip ng tama. I cheated on you. Ayoko---”



“Tapos na 'yun. Matagal na rin namang nawala ka kaya pinapatawad na kita. Wala na rin akong pakialam kung sabihin mo ang dahilan. Alam ko naman noon palang wala ka ng magagawa. You cheated me, yes! And we can't changed that. Atleast, you did what you think.” Masaya na rin naman si Riana dahil sa pamilya nyang binuo. Wala na rin naman itong pakialam dahil sa simula palang ay tapos na sila. Magmula ng iwan siya nito ay tinapos na rin naman niya kung ano ang meron sila.



“Pero--” hindi na niya kaagad natapos dahil nagsalita na naman ito.



“I'm sorry, Miguel. I'm busy right now.” tumayo na kaagad ito saka tumawag ng waiter para sa lalake. “Take care of him. His our special guest.” saka sya nagsimulang maglakad pabalik sa kitchen area.



Si Riana na ang umiwas dahil baka may makakita sa kanya at sabihin sa asawa niya na may kausap itong lalake. Alam nya kung paano magalit si Fiezer kapag nagselos ito. Ayaw na niya ng gulo dahil tahimik na ang buhay niya. Pero bumalik ang lalake at nagpakita sa kanya. Sigurado syang magpapakita pa ito ulit lalo na at alam nito kung saan ang restaurant niya.



Tumingin si Riana sa kanyang relo at nagulat nalang ito ng makita kung anong oras na. Malapit ng mag alas-onse. Dali-daling kinuha nito ang kanyang bag.



“Francis. Ikaw na muna bahala dito. Susunduin ko lang mga anak ko.” aniya nito sa assistant niya.



Simula ng magtayo si Riana ng restaurant ay naging assistant na niya si Francis. Maraming nahuhumaling dahil sa kanyang ka-gwapohan. Moreno. Makapal ang pilikmata. Matangos na ilong. At may mapulang labi. Mas nakakadagdag sa kanyang kagwapohan ang palaging nakangiti na animo'y walang problema.



Pasado alas onse na ng makarating si Riana sa school ng mga bata. Naabutan niya ang dalawa na naglalaro sa kanilang playground. Nakangiting lumapit siya sa dalawa. Ng makitang dumating ang ina nila ay kaagad itong lumapit.



“Your late, mommy!!” pagalit na wika ni Snow sa kanya sabay turo pa. Habang si Blow naman ay nakatingin lang sa kanya ng seryoso.



“Mommy so busy, Baby. Mommy say sorry.” agad naman siyang nagpa-cute sa dalawa.



“It's okay, Mommy. Atleast you come..” wika ni Blow. Ginulo naman niya ang buhok nito. Napaka matanda talaga nito kung magsalita lalo na kung mag-isip.



My Boss is a Gangster (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon