8

9 0 0
                                    

The whole family was enjoying for the last break of Izon's. Tomorrow, babalik na naman ang mga ito sa kanilang dating gawi. But for now, they are just enjoying the day at the beach. And most importantly, the kids are the most happy.



Mula sa cottage ay pinanood ng mga magulang at Lolo ang kanilang mga anak na naglalaro sa buhanginan, gumagawa ng sand castle. Nakasandal sa dibdib ng kanyang asawa si Riana.



“Kailan naman ang balik mo sa states, Monice?” tanong ni Riana na kumagat pa ng mansanas.




Kahit kasal na si Monice ay hindi parin nito iniiwan ang kanyang trabaho.




“Next month?” patanong nitong wika. Bumuntong hininga ito. “I'm not sure though, I was planning to fly back at paris but I can't leave my son... and my husband.”





“Matatagalan ka ba sa ibang bansa?” Riana asked again and Monice nodded.





“Oo, e. I guess, year?! Nakapag-usap na rin kaming dalawa ni Cielo tungkol doon.” Aniya sa kanya.





“How about you, Kuya. Is that okay to you?” Tanong ni Riana sa kanyang kapatid na busy sa pag-iihaw.






Tinigil ni Cielo ang kanyang ginagawa saka lumapit sa asawa nitong si Monice na naghihiwa ng mansanas. “Well, I don't have any choice. It's Monice works and she loves her work. Isang taon lang naman 'yon.” Monice smiled to her husband before she kissed Cielo's cheek. “Tsaka, napagkasunduan narin namin na kapag umuwi ito ay dito na kami sa pilipinas magpatuloy. Gagawa kami ng restaurant.” Pag-puna pa niya. Bakas sa itsura ni Cielo ang kasiyahan matapos sabihin 'yon.





“Edi, mas mabuti kung gano'n. Wala ng lalayo. Mas mabibigyan niyo na ng maraming oras ang anak niyo.” Says Riana.





Tumayo si Riana at siya na ang nagpatuloy sa pag-ihaw dahil bumalik narin ang mga bata sa cottage. Lumapit ang dalawang anak niya at humingi ng hotdog na ikinatawa ng huli.





“Here. Bigyan niyo narin ang pinsan niyo." Saad niya. Monice walk towards her and help her with the barbecue.




“Nakakamiss maging isang dalaga.” Nakabusangot na sabi ni Monice na tinawanan ni Riana.




“Sinabi mo pa. Wala na nga akong oras para mag-salon o magpa-spa sa sarili ko.” Natatawang ani nito sa mahinang boses upang hindi marinig ng kanyang asawa.




“Being a parent and a wife are had a big responsibility. And you're right. Nakakalabas lang ako ng bahay kapag nag-groceries ako.” Natatawa ring sabi ni Monice at ilang sandali ay napabuntong-hininga ito. “Hindi ka ba nai-stress? May kambal ka pang anak.”




“Sometimes.” She chuckles. “But whenever I see them, nawawala nalang lahat ng pagka-stress ko. Mapa-work man o sa bahay.” Bumuntong-hininga ito. “Hindi ko man sabihin, nahihirapan parin ako. I don't want them to see me that kaya kapag nasa harapan ko sila, nagpapalakas ako.”




“Then... Why don't you ask your husband to give you some free time. Alam kong maiintindihan ka ni Fiezer.”




Riana shook her head. “Nah. Baka isipin niya, hindi ko gusto ang magkaroon ng pamilya.”





“Gaga!” Tawang sabi ng kaibigan niya. “Hindi naman siguro. Tsaka, ang sinasabi ko lang naman ay 'yong mag-relax ka kahit sa isang araw lang. Iyong wala kang alalahaning trabaho. Kasi tayong mga babae, kahit may anak man tayo o wala. May asawa man o wala. We always need to have some time for ourselves. Kailangan rin ng isipan at katawan natin ng pahinga hindi 'yong itambak nalang ang sarili natin sa trabaho.” Mahabang lintaya ni Monice. Kinuha ni Monice ang mga niluto ng barbecues saka dinala sa loob ng cottage. Naiwan naman si Riana sa labas habang iniisip ang mga sinabi ng kanyang kaibigan.






Alam ni Riana na may punto ang kanyang kaibigan pero ang tanong, gagawin niya ba ang sinabi ni Monice? Sometimes, Monice words had a good impacts at her.





Kinabukasan, naghanda na ang pamilyang Izon para sa kanilang pagbalik sa Manila. Late naring nakatulog si Riana dahil sa pag-iisip lalo na sa sinabi ni Monice sa kanya doon sa beach.





“Ask him, Riana. Hindi naman araw-araw ay gagawin mo 'yon. Give yourself some a bit time. At kapag pinayagan ka, call me so I could ask my friend to give a VIP. May kakilala ako na tiyak magugustohan mo. It's a salon but they treat their costumers nicely.” Puno ng pagpapakumbabang sabi ni Monice sa kanya nang ihatid na sila sa labas ng airport.






Monice embraced her tightly, making her mind calm. She knows Monice well.






“Thank you, Monice. I appreciate your kindness.” Masayang anas ni Riana kay Monice. Nang maghiwalay ang dalawa mula sa yakapan, ang ama naman niya ang kanyang nilapitan.






“Adriana.” Iyon palang ang lumabas sa bibig ng kanyang ama ay nanubig na ang mga mata ni Riana. Niyakap niya ang kanyang ama saka doon pinahiran ang luhang lumabas mula sa kanyang mata.






“Take care of yourself, Dad. Don't forget to drink your medicine everyday.” Paalala niya sa kanyang ama na ikinatawa lang nito. They both parted from hugging.






“I won't sweetie. Tsaka, ikaw ang inalala ko. Alagaan mo ang sarili mo. Kahit may sarili ka ng pamilya, h'wag mo paring kalimutan na bigyan ng oras ang sarili mo. Mahirap kapag tinamaan ka ng sakit, marami ang maaapektohan. Iyong mga apo ko, alagaan mo.” Tanging pagtango nalang ang ginawa nito dahil sa dami ng sinabi ng kanyang ama. May sinabi rin ang kanyang ama sa kanyang asawa pati na sa kambal niyang mga anak.






Pagkatapos ng pagpapaalala at pamamaalam ng paulit-ulit, pumasok na ang pamilyang Izon sa loob ng airport . Lumingon sandali si Riana sa labas at kinaway ang kamay sa para sa huling pamamaalam.






Masakit man para sa kanya na malayo nanaman sa kanyang kinagisnang ama at kapatid, masaya parin si Riana dahil nakasama niya ito pansamantala. Hindi niya alam kung kailan ulit sila magkikita.




Once again, she wiped her tears and plastered a smile on her face.





I miss you guys already!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Boss is a Gangster (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon