CHAPTER 5

0 0 0
                                    

Dumaan ang ilang linggo at nagpatuloy ang pagmomodel ko. Sinasama ako lagi ni mommy. Medyo nasanay na rin ako sa buhay ko rito. Kung saan, pinagsisilbihan kami at alagang-alaga ako. Lahat ng gusto ko ay nabibili ko, mga luho. Sarap mamuhay kapag mayaman. Nakakamiss lang sila mama. Sana ay maayos pa rin ang lagay nila. Nagtataka lang ako kung bakit hindi nila ako hinahanap. Ang laki ng pinagbago ng buhay ko. Pero kahit na gumanda 'yung buhay ko, parang may kulang. Parang may mali. Lagi na lang busy 'tong si mommy, hindi katulad ng mga magulang ko na laging may pake sa akin. Itong mommy ko rito, eh masyadong business-oriented. Katulad na lang ngayong araw.

" Eri, are you ready?" Tanong ni mommy. Nasa loob na kami ng kotse. Papuntang kumpanya.

" I'm ready" walang ganang sagot ko.

" Cheer up, hindi pwede ang ganyan sa business. Masyadong malas." Sabi niya.

Masyadong busy sa mundong ito. Akala ko puro saya lang. 'Yung mga atensyon na nalipat sa akin, masyado nang nakakasakal. Lagi na lang ako napapansin. "Instant sikat" kaagad ako. Paano ba naman, ang kumpanya namin ay isa sa mga pinakamalaki at pinakapinagkakatiwalaan na kumpanya pagdating sa clothing industry rito sa bansa namin. Kaliwa't kanan ang mga nakikita kong billboard sa mga highway.

Ang galing lang, dati gustong-gusto ko ng atensyon mula sa ibang tao. Gusto kong makatanggap ng papuri at hindi panlalait. Pero ngayong nandito na ako sa sitwasyon ko, masasabi kong mas mabuti pang mamuhay ng simple. Walang spotlight. 'Yung malaya ka lang makakagalaw dahil wala namang may pake sa iyo. Gusto kong yumaman, ngayong nalaman at na-experience ko na, masasabi kong hindi pala perpekto ang pagiging mayaman tulad ng naiisip ko.

Nandito na pala kami sa kumpanya. Bumaba na kami ng kotse. Pagkababa ko ay halos lahat ay napapatingin. Hanggang sa paglalakad namin sa loob, ganun pa rin. Magshoshoot ulit kami ngayong araw, para sa panibagong designs ng mga damit ng company namin.

Lutang ako buong araw. Hindi ko namalayan nasa bahay na pala kami. Nawawalan na ako ng gana. Ganito na lang palagi ang scenario. PURO PAGPAPAYAMAN. Ayaw ko ng ganito, gusto ko kapag nakapagtapos na ako sa pag-aaral ay maging propesyunal. 'Yung tipong ang trabaho ko ay kung nasaan ang passion ko.

" Eri, please prepare for tomorrow. We will be going to the company again."

"Okay, mommy. Pwede po bang hindi na ako kumain? Gusto ko na po matulog." Matamlay kong sabi.

" Okay, matulog ka na." Sabi niya.

Dumiretso na ako sa taas. Pagkapasok ko sa kwarto, humilata agad ako sa kama. Namimiss ko na talaga sila mama. Nakakainis, bakit pa kasi ako pumayag na mapunta rito. Nagpapapadyak ako sa inis habang nakasubsob ang mukha sa unan.

Gusto ko nang bumalik!!!

Matildaaa!!!

Napaupo ako sa kama at sumubsob sa braso ko. Ayaw ko na rito. Mas gusto ko roon sa dati kong buhay. Kahit asarin pa nila ako, wala na akong pake. Kahit panget ako roon, okay lang. Ang mahalaga kapiling ko sila mama. Ang mahalaga kumportable ako. Masyado akong naging immature para problemahin ang simpleng bagay. May paraan naman para yumaman at kaya kong iignore ang mga panlalait nila.

Di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Umiyak lang ako nang umiyak. Gusto ko na talagang bumalik. Nagulat ako nang may biglang nagliwanag sa harap ko. Napatingin ako rito, wala na akong pake kung mukha akong sabog o tulo sipon.

0_0 Si Matilda!!!!!

" Nagbago ka na ba?" Tanong agad niya.

" Ayaw ko na rito, nagsisisi akong pumayag akong mapunta rito." Parang nagsusumbong na sabi ko.

Hindi siya sumagot. Nakangiti lang siya sa akin.......

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon