CHAPTER 1

6 0 0
                                    

Eri's POV

ERI......

ERI......

ERI......

"ERI!!!!! BANGON NA!!!!"

Napabalikwas ako ng bangon sa lakas ng boses ni mama. Nakatayo siya sa gilid ng kama at nakapamewang habang nakatitig sa akin.

" Ano na? Sinasabi ko sayong bata ka, 'wag kang magpuyat. Tingnan mo ang hirap mo gisingin!" Sabi ni mama habang nanlalaki ang mga mata.

Highblood na naman po siya.

"Mama, nag-review lang ako kagabi kaya ako napuyat. May exam kami ngayon." Sabi ko habang nagpupunas ng muta. Chareng!!!

"Ay siya sige, kumilos ka na. Alas-sais na ng umaga. Nagluto na ako ng almusal, halika na't sumabay sa akin sa pagkain." Sabi nya sabay labas ng kwarto ko.

Tumayo na ako sa kama at sumunod kay mama sa baba. Pumunta muna akong banyo para maghilamos at magmumog saglit. Pagkatapos ay dumiretso na sa mesa kung nasaan si mama.

"Eri, may babayaran ka ba ngayon sa eskwelahan mo?" Sabi nya habang inaabutan ako ng plato.

" Wala po, ma." Ako habang naglalagay ng sinangag at itlog sa plato ko.

" Mabuti naman. Short tayo sa ngayon dahil na-delay ang sahod ng papa mo. Mamaya mag-sideline ako sa pagiging labandera." Sabi nya

"Opo, ma" Sabi ko.

Mabilis kaming natapos ni mama sa pagkain. Dumiretso na ako ulit sa kwarto samantalang naglilinis si mama sa baba. Pagka-akyat ay naghanap ako ng masusuot. Tss. Eto na naman tayo, Eri. Puro T-shirt at pantalon ang mga damit ko, kaya yun ang lagi kong "get-up" sa school. Wala akong confidence sa pagsusuot ng mga magagarang damit tulad ng dress o kaya maiikling short. Naiilang ako.

Bago ako bumaba, tumingin muna ako sa salamin. Nakikita ko ang sarili ko na may malalaking eyebags at may kaunting mga tigyawat, buhaghag din ang maikli at hindi pantay na buhok ko. Naku, Eri. Ganyan talaga ang itsura mo dahil puro pag-aaral ang inaatupag mo.

Buti pa 'yung iba napakagaganda!!!

Ba't ako?!Anyare?!

Nakakababa ng sarili.

Napangiti na lang ako nang malungkot. Dumiretso na ako sa baba para maligo. Pagkatapos maligo ay nag-ayos lang ako ng kaunti. Tamang suklay at polbo lang , oks na!! Inilugay ko muna ang basa ko pang buhok. Naabutan kong nagwawalis si mama.

" Mama, baon ko po?" Sabi ko. Humugot siya ng one-hundred pesos sa bulsa.

"Oh ayan, anak. Pagkasyahin mo na lang." Sabi nya.

"Mama, ok lang po. May baon naman na akong kanin." Sabi ko.

Ngumiti si mama at ginulo ang buhok ko." Tiis-tiis lang, anak. Makakaahon din tayo sa kahirapan. Kaya ikaw, mag-aral nang mabuti at nang magkaroon ng magandang kinabukasan." Sabi nya.

Ngumiti ako sa kanya." Syempre naman, mama. Gusto ko pong yumaman, balang araw. Sige po, alis na ako. " Sabi ko sabay yakap sa kanya.

Kumalas na kami sa yakap." Sige, ingat." Sabi nya.

~~~~~~

Kakababa ko lang ng Jeep, medyo malapit lang kasi itong school mula sa bahay. Napatingin ako sa malaking unibersidad na nasa harap ko. Ito ang Manila University, ang pinakamalaking eskwelahan sa buong maynila. May malaking entrance sa harap, medyo matagal na ang unibersidad na ito kaya isa ito sa pinakakilala sa buong bansa.Madaming estudyante ang patuloy na pumapasok sa entrance at isa na ako roon.

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon