CHAPTER 2

0 0 0
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw mula sa bintana. Nakatulog pala ako kakaiyak kagabi. Bumangon ako at tumingin sa salamin.

-_- MAGA ANG MGA MATA KO!!!

Makikita 'to nila mama panigurado. Bumaba na ako at nadatnan ko sa kusina sila mama at papa. Kasalukuyang naghahain si mama. Napansin agad nila ako.

" Oh, Eri buti naman at hindi na kita gigisingin, halika na rito at kumain" Sabi ni mama.

Napatingin din sa akin si papa.

"Ba't namamaga ang mga mata mo, Eri?" Sabi ni papa.

" A-ah , wala po 'to pa, may acting at drama kasi kami mamaya sa school, ako 'yung bida kaya nagpraktis ako umiyak." Pagsisinungaling ko.

"Ah ganun ba? Eh baliw ka naman palang bata ka!! Nasobrahan ka sa practice kung ganun! Susmaryosep!!!" Sabat ni mama.

0_0!!! Grabe, harsh lang ni mama.

" Eh, di ko na po uulitin. Hehehe" Sabi ko sabay upo.

" Dapat lang, nakakatamlay ng itsura yan!!!" Sabi ni papa.

Mabilis kaming natapos at nagpaalam kaagad si papa para umalis. Alas-sais pasado na kasi. Naiwan kami ni mama. Umakyat na rin ako ng kwarto para maligo at magbihis. Pagkatapos ay nag-ayos ng kaunti. Tumingin ako sa relo ko. 7:15 pa lang. Mabuti kung maglalakad na lang ako para makatipid.

" Ma, papasok na po ako" Sabi ko kay mama pagkababa ko.

" Oh, baon mo. Uwi kaagad ah, mag-ingat ka" Sabi ni mama.

"Opo" naisagot ko na lang. Nagpaalam na ako.

Malapit lang naman ang school namin. Mga 10 minutes na paglalakad kung mabilis kang maglakad. Nga pala, nag-iisang anak lang ako. Si mama suma-sideline sa paglalaba samantalang construction worker si papa. Sapat naman ang kita ni papa sa pang araw-araw na pangangailangan namin. Mabuti nga at scholar ako. Kahit papaano ay gumaan ang gastusin nila mama. Kaya ako laging naaasar sa school kasi masyadong mayayaman ang mga estudyante roon. Natatanaw ko na 'yung school. Biglang humangin nang malakas.

0_0 ARAYYYY!!!

May sumupalpal sa aking isang papel. Hindi lang 'yun, may kasama pang alikabok kaya napuwing ako. Aish!! Minamalas ka nga naman oh!! Tiningnan ko 'yung papel.

0_0!!!!

MAPA?!

Hindi pala pangkaraniwang papel ito, isang lumang mapa. Alam mo 'yung mapa sa mga movies, ganun ang itsura nya. Gusot at halatang lumang luma na. May mga nakaguhit pa na linya. Kung titingnan 'tong mapa, masasabi kong isa lang patutunguhan nito, 'yung tipong pag sinundan mo 'yung linya may matatagpuan kang kayamanan.

"Gamitin mo na 'yang mapa-pa-pa-pa"

0_0 ANO RAW?!

May parang bumulong kasabay nang malakas na hangin. Parang tanga lang kasi may pa-echo effect pa!!!

"Sundan mo-mo-mo"

WAHHH!!! SINO YUN?!

BA'T NAPAKA- BI?!

" Sino ka ba?! May pasok pa ako , huwag kang BI!!!" Sigaw ko.

"Luh, baliw na si ate oh." Sabi ng isang babae, napatingin ako rito at sinamaan sya ng tingin.

"Ay, bruha!!!" Sabi nya sabay karipas ng takbo. Aba! Lait bago alis ang peg ni ate. Ikaw na!!!

Aish!!! Naglalakad nga pala ako, ba't kasi sumisigaw ka pa Eri?! Napatingin ako sa relo ko, 7:35 na. Napatingin ako sa hawak kong mapa. May nakasulat na  " POTIONS INC. " sa bandang taas, may parang puno sa may bandang kaliwa, parang ito 'yung pinaka-start.

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon