CHAPTER 4

0 0 0
                                    

Eri's POV

ERI....

ERI....

ERI....

"Eri, honey, wake up!!"

Nagising ako sa tinis ng boses na narinig ko. Unti-unting minulat ko ang mga mata ko. Naaaninag ko ang isang babae na nakatitig at nakangiti sa akin. Dahil dun, tuluyan na akong nagising. May isang magandang ginang ang nakaupo sa gilid ng kama na hinihigaan ko. Napaupo ako sa kama at gulat na tumingin sa buong paligid ng kwarto. Ang ganda ng kabuuan ng kwarto kulay puti lang ang pintura. Pero karamihan sa mga gamit ay kulay light pink. Simple pero maganda. Kumpleto ang gamit. May malaking aparador. Salamin kung saan pwede kang mag-ayos. TV set. Malaki at malambot na kama. May side table pa sa gilid nito. At higit sa lahat NAKA-AIRCON!!! GRRR!!!

" EHEM!!!" Sabi nung ginang.

Napatigil ako sa pag-examine sa buong kwarto at napatingin dun sa ginang.

" Are you okay, iha? Parang gulat na gulat ka ata. You look puzzled. You even examine your room!!! " Sabi nito.

" S-sino po kayo?" Tanong ko.

" Eri, stop this nonsense!!! I'm your mommy. So please, be prepared since today dadalhin kita sa company natin." Sabi niya.

Mommy?!

Nandito na ba ako sa mundong sinasabi ni Matilda?!

" Uhhmm...okay po" sabi ko habang napapakamot sa batok.

" I will go to my mini office at my room. Wear something nice.Take your breakfast then call me if you're totally done." Sabi niya sabay alis ng kwarto na ito.

What the?! Anong nangyayari?!

Pumunta ako sa harap ng salamin. Laking-gulat ko nang makita ko ang isang napakaganda at sexy na babae. Wow!!! Maamong mukha, maputi at makinis na balat, mahabang buhok na kahit messy ay maganda pa rin. Totoo nga!!!

Nandito ako sa mundong pinapangarap ko!!!

'Yung potion, effective!!!

Bigla kong naisip sila mama. Kamusta na kaya sila? Sana maayos lang ang lagay nila. Hanggang kailan kaya ako rito. Naalala ko 'yung sinabi ni Matilda.

"Sayo nakabatay kung sakaling babalik ka pa"

Makakabalik pa ako. Sa ngayon, mas maganda kung i-enjoy ko muna ang sitwasyon ko. Napangiti ako sa salamin. Ang ganda ko na talaga. Ibang-iba sa itsura ko noon. Nang makuntento kakatitig sa salamin, naisipan kong maligo muna. Pumunta na ako roon sa naglalakihang aparador. Pagkabukas ko ay namangha ako sa sobrang dami ng mga damit. Iba't ibang styles at kulay.

SANAOL!!!

Ang saya, naeexcite ako sa dami ng mga damit. Parang gusto kong suotin lahat. Naisipan kong magsuot ng dress dahil pupunta raw kami sa kumpanya "kuno" namin. Napili ko 'yung floral dress. Sa ilalim ng aparador ay may iba't ibang klase ng sapatos, high heels at sandals. Ipapares ko sa damit ay isang flats. Para kumportable. Matapos maligo ay nagbihis kaagad ako. Dumiretso ako sa salamin para mag-ayos. Grabe kumpleto talaga, kahit sa banyo ay madaming mga sabon na hindi ko alam. May mga make-up at pabango rito sa salamin. May mga gamit din sa pag-aayos ng buhok. Naisipan kong maglugay, natural na mahaba at umaalon ang buhok ng " ngayong ako". Naglagay rin ako ng light make-up. Marunong akong magmake-up kahit papaano dahil nanonood ako sa ThemTube dati. Nang matapos ay kumuha ako ng purse sa closet. Namili ako dahil ang daming pagpipilian.

Richkid talaga!!!

Sumilip ako sa labas ng pinto. Dahan-dahan akong lumabas sabay sarado dito. Bumaba ako sa unang hagdan na nakita ko. Second floor itong " mansyon" na ito. Napakalaking bahay. Mukhang kailangan ko munang libutin bago makabisado ang bawat parte nito.

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon