Long Distance Relationships

14 0 0
                                    

"Para sa mga nasa long distance relationships"

Everything will be alright just sit back relax and most of all give your 100% trust and loyalty to your partner

Madalas na ang Long Distance Relationship ay nangyayari dahil sa maraming dahilan karamihan ginagawa ito para sa mga pangarap, magandang kinabuksan at pagtulong sa pamilya.
Kaya kahit mahirap pinipilit nilang tanggapin at harapin ang consenquences ng pagiging magkalayo sa piling ng isa't isa.
(Just keep going, matutupad niyo rin ang mga goals niyo.)

Meron din namang isang klase ng long distance relationship ayun yung "Love" nakadalasang nabubuo gamit ang technology gaya ng "facebook" "instagram" "viber" "we chat" at kung anu anu pa.
Wag kayong magalala kung kayo talaga ang itinadhana para saan pa ang lahat ng pinagdadaanan niyo darating din ang time na pagtatagpuin din kayo ni Manong "Destiny".
(Malay niyo malapit na)

Tips para magwork ang
Long Distance Relationship

1.Keep you faith
Syempre dapat unahin niyo ang paghingi ng gabay sa ating mapagmahal na Panginoon. tiwala lang gagabayan niya kayo.

2.Chismisan time
Always find time na makapag kwentuhan kayo ng mga naexperience at nangyayari sa inyo araw araw.
Kahit gaano pa kayo kaBUSY, kailangan niyo to.
Sa ganun kasi hindi niyo masyado mamimiss ang isa't isa.
Wala na kayong magiging ibang dahilan pa dahil maraming WAY diyan pwedeng "tumawag" kaya lang mahal. pwede naman "sumulat" kaya lang matagal. "Email" masyadong luma,
Eto na ang bago "facebook" "skype" "yahoo" "instagram" etc.
(Ayan ang dami na niyan, wala kanang excuse. di ba)

2.Dating Mga Gawe
Kahit na magkalayo na kayo pwede niyo paring gawin yung mga ginagawa niyo nung mga panahon na magkasama pa kayo.
Pag-punta sa mga favorite place niyo.
Pag lalaro ng mga games na gusto niyo.
Mga hobies niyong dalawa.
(In that way maaalala niyo parin kung gaano kayo naging masayang magkasama.)

3.Tiwala
Ayan ang hindi pwedeng mawala.
Isa sa pinakamahalagang sangkap ng L.D.R yang trust.
Kailangan niyo yan ibagay sa partner niyo. kahit minsan tayong mga Girls hirap tayong gawin yun. kadalasan kasi tayo yung selosa.
(Aminado hehehe)

4.Tanghaling TAPAT
Maraming mga broken harted ang nagsasabing ngayon daw tanghali na lang ang tapat.
Pero dapat niyong patunayan at gawing maging tapat sa mga partner niyo,
Tandaan niyo ibinigay nila ang 100% na TRUST sa inyo kaya wag na wag niyo yun sisirain. bahala ka ikaw din ang magsisisi.
(Dapat focus lang kayo sa mga plans, para lagi niyong iisiping maging TAPAT)

5.Mga Bago Naman
Try new things which is involve parin ang isa't isa,
Gaya ng pag-kain ng sabay kahit sa skype lang kayo magkausap.
Paglalaro ng online games,
Pagharana sa phone,
Marami pang iba. mag try lang kayo para hindi mawala yung saya sa relation niyo.
(Para hindi mawala yung .trill)

Kaya ko nasasabi to sa inyo kasi ngayon at nasa L.D.R ako.
Pangalawang beses na naming
Nagkalayo.
Kailangan eh, kagaya nga ng sabi ko may kanya kanyang dahilan.

Yung dahilan ko?

Maliit kasi ang kinikita ko sa pilipinas. Kahit na sa office pa ko nagtratrabaho. hindi parin talaga sasapat.
Kagaya ng iba gusto ko lang magkaroon ng mas magandang kinabukasan.
May cancer ang papa ko.
May sakit sa puso ang mama ko.
Kailangan naming magtulungang magkakapatid, dahil may pinagaaral pa kaming mga pamangkin. Kaya ako kinuha ng kapatid ko dito sa Singapore.

Si Leo (yung boyfriend ko. 5yrs. na kami)
Sa acct. firm siya nagtratrabaho sa pilipinas.
Ang goal namin madala ko rin siya dito sa Singapore.
Para makapagpatayo ng sariling bahay sa pinas at maliit na negosyo
Ayun yung mga plano namin.

Kagaya niyo na mga nasa L.D.R
Nahihirapan din kami.
Pero kailangan lagi lang positive
At laging magdasal.

Isipin niyo na makakamit niyo rin yung goal niyo.

Ngayon kung nababasa niyo to.
Ibig sabihin mag-kasama na kami
Ngayon :)

Gaya niyo Dating L.D.R kami

Ngayon L.T.R na kami
(Living Together Relationship)
Hehehe
Update ko kayo
Kung anu na yung next status.
Sa ngayon ayan na lang muna ang maitutulong ko :)
Godbless :)

Long distanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon