2. Problem Solving

52 0 0
                                    

Chapter⒉

Dia's POV

Natapos ang klase namin kay Ms. Arsenal nang puro kwentuhan lang at masaya ang lahat sa ganoong istilo. Unang araw, walang bahid ng sakit sa ulo.

Hindi naman sa paniniwala ko na sakit sa ulo ang pag-aral. Gustong kong magaral ngunit sa eskwelang walang subject na Math. Oo talaga, ayaw ko ng subject na yun. Sakit lang kasi sa ulo.

Ipapahanap ng guro kung ano ang value ng X at sunod naman ay Y. Haaaay nakakastress lang. Ibig ko lamang, magagamit ba natin ang ganoong istilo sa palengke? Diba hindi naman.

-

Pumasok ang ikalawang guro namin.

"Good Morning Class" hindi pa man kami nakakatayo. "Don't mind, you may now take your seat." Ebarg. Di pa kami nakakabati upo agad? Pero sabagay, baka mabastos nga lamang siya kapag nakita nya yung mga nasa parteng likuran ay hindi tumatayo at nakaubob lang sa mesa, tulad nitong katabi ko.

Ha? Siya yung nakipagusap sa akin kanina. Sabi nya pwede na? Pfft. Ano daw kaya iyon?

Sa aking pagiisip. Hindi ko namalayan na tinatawag ako ng guro namin at masama ang tingin.

"Miss Andalio, can you solved this problem?" Galit nyang sabi.

Lahat nakatingin sa gawi ko. May bahid na awa at sinasabing " kaya mo yan" at yung iba naman ay "oh no!" na mga tingin.

Shet! Math pala ito. Over! Maam first day ko palang po. Wag naman kayong ganyan. Natataranta na ako nang may iniabot na papel sa akin yung katabi ko na kumausap sa akin kanina. Tiningnan ko ito bahagya at tumingin sa kanya. Tumingin ulit sa papel at sa kanya.

Isa iyong solution sa ipinapasolve nitong terror teacher sa harapan ko.

Tumayo na ako at kumuha ng chalk. Mabilis ko namang naalala yung solution kasi kakaunti lang naman ito kaya nasagutan ko.

"Correct. The next time I'll see you out of your mind. Di lang yan ang matitikman mo. Well, this is your first day here Miss Andalio. Enjoy your Math Subject the whole school year with me. You may take your seat"

SHIT

Bakit may threaten agad. Maam jusko po, ang sungit mo naman. Bakit Math paaaaaaa! Isinusumpa ko itong subject na ito.

Paano kaya kung hindi ko nasagutan iyon? Ebarg naman. Mommmmmy ayaw ko na ditooooooooo.

Natapos ang Math subject nang kunyari'y nakikinig at naiintindihan ko ang itinuturo ng bruhang ito. Mahirap na. Wanted na ako dito. Waaaaaaahh. Nakakatakot sya grabe.

Kelangan kong magpasalamat sa pagtulong sa akin kanina nung katabi ko. Errrr kung hindi dahil sa kanya.

Ang aking magiting na tagapagligtas.

Maraming Salamat sa iyo.

-

Hay bakit kasi hindi ako ipinanganak na may kakaibang abilidad sa pagsosolve ng problema? Teka ano nga ba ang pinoproblema ko tungkol doon? Nababaliw ka na naman Ivy

yun ang kadalasang tawag ko sa sarili ko at ako lang ang tanging tumatawag noon. At walang may paki tungkol doon. hay

-

Habang break time. Nagtungo ang lahat sa canteen para bumili ng makakain at sinundan ko naman sila. Ginutom ako sa subject na yun ah.

Mabilis ako nakbili dahil halos ang lahat ay may kinakain na..

Pumwesto ako sa bakanteng upuan at marahang kakagatan na sana ang sandwich na inorder ko nang may dalawang binibini na sumulpot sa harapan ko.

"Ah"

"Hi I'm Yveanne. Xandra Yveanne Zelis" bati noong nasa may parteng kaliwa na maganda at mahaba ang buhok.

"Ako naman si Andrea. Andrea Brecelle Chan" pagpapakilala noong nasa may kanan na maputi at katamtaman ang haba ng buhok.

"Ako si Dia. Diandra Ivy Andalio"

Mukha naman silang mabait at magaganda namn so go na. Wag na paetuks Dia. Makikipagkaibigan yan pusta.

Ininom ko yung mogu mogu ko.

"You know. You're pretty" Andrea.

Ehem. Nasamid tuloy ako.

"No kidding :)" Yveanne

"May kailangan kayo noh?" Confident kong pagtatanong.

Nagkatinginan pa sila at tumawa.

"Can you help us?" Sabay sila.

Ay akala ko makikipagkaibigan.

"Bakit?" Imbes na para saan ang dapat kong sagot eh maninigurado muna ako kung bakit.

"Cause we think na ikaw na ikaw lang ang makakatulong sa amin. Swear" Yveanne.

"Saan naman?"

"Can you sing? Can you play piano or guitar" Sunod sunod na tanong ni Andrea

At sa di inaasahan ay sumagot ako

"Yes, yes and yes?" Pagaalangan ko.

"Wiiiiiiieeeee" Pagirit nila na dahilan para tumingin lahat ng malapit sa amin.

Eh ano ba ito? Tsk

"Hoy tumigil nga kayo. Nagsisitinginan na sila oh"

"Oh sorry naman. We're just happy, excited, thankful and whatsoever. Wiee ikaw lang nakapagsolce ng problema namin :)))" Yveanne

"Bakit?"

"We're planning to make a band and you're one" kalmado nang sagot ni Andrea.

"Ah ok"

Huh?? What did I say?

"Oh my god Thank you Dia. You're an angel sent from heaven. We love you so much"

Did I said Ok?

Oh no.

Once a PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon