Prologue

117 5 0
                                    

Masaya raw magkaroon ng ka-MU? Yung tipong kahit wala kayong commitment sa isa't isa, alam nyo sa sarili niyo na pinahahalagahan niyo kung anong meron kayo.

Masaya sa pakiramdam yung masuklian ka ng pagmamahal ng taong mahal mo.

Oo, inaamin ko. Gusto kong maranasan lahat ng iyon.

Ngunit minsan, meron talagang mga pangyayari sa buhay na hindi mo hawak lalo na ang kaligayahan.

Ang kaligayahan- traydor yan eh. Matapos mong maging masaya bahagya, bigla nalang may hindi inaasahan na makakapagtapos sa kaligayahang ito at yun ay ang kalungkutan.

Kakambal nga talaga ng kaligayahan ang kalungkutan.

Kelan kaya ito mapaghihiwalay?

Umasa ako, nag assume, nafall at eto nasaktan dahil sa feelings na 'to.

Darating pa kaya ang araw na magiging masaya ako tulad ng sa iba na napapanuod at nababasa ko?

May nagsabi sa akin:

"Once a pagibig, always a pag-ibig."

Kalokohan. Anong bang ibigsabihin niyan? Ang isang pag-ibig ay mananatiling pag-ibig? Yun ba yun? Malaking kasinungalingan.

Lahat ng pag-ibig, lahat yan nawawala. Walang forever na pag-ibig. Isa rin yung kalokohan.

Pero merong isang salita na pinanghawakan ko buong buhay ko at patuloy na panghahawakan ko sa dadakuhin pang panahon.

Once a PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon