1. South Majestic University

73 2 0
                                    

Chapter ⒈

Dia's POV

Sinong nagaakala na makakapag-aral ako sa ganitong klase ng eskwelahan?

Magara ang silid, malawak ang espasyo, mga bugbog na bintana, mamahaling bintilador, at mayayamang estudyante.

Pwera sa akin.

Galing lamang ako sa pampublikong paaralan ng Maharlika ngunit ngayon, heto ako at nakatapak sa matayog na istraktura ng South Majestic Univerity at napapaligiran ng masasayang ngiti mula sa kapwa ko kamagaaral.

Simple lang naman ako noon eh. Tuwing umaga, magcocommute ng tricycle upang makapasok sa eskwela. Ang tanging laman ng bag eh ang 8 kuwadrado na gagamitin para sa araw na iyon. Kulay itim na bolpen. At tanging 50 pesos na pagkakasyahin ko buong maghapon kasama na ang pantanghalian ko sa karinderya at pamasahe pagpasok at paguwi.

Ngunit paano nga ba kami nagkaroon ng pera upang matustusan ang pagaaral sa ganitong klaseng paaralan? Simple lang. Nanalo ang tatay ko sa lotto. Ang cliche diba? Yung tipong ang hirap hirap niyo na mas mahirap pa sa daga at ng tumama ang kapamilya mo sa lotto eh bigla nalang kayong aangat sa buhay at magiging maginhawa?

Wala naman akong reklamo tungkol dito ngunit natatakot ako eh.

Hindi ko alam ang ikinatatakot ko ngunit hindi maganda ang kutob ko.

Wala naman talaga akong plano lumipat sa eskwelahan na ito eh. Baka ma-op lang kasi ako kung sakali ngunit pinilit ako ng aking mga magulang kaya eto. Haaay, andito na ako eh. Wala na talaga akong magagawa.

-

Matapos kong magdrama na tanging sa utak ko lamang sinasabi habang may pabuntong-hininga pang nalalaman ay naglakad na ako patungong gate at iniscan sa isang machine ang aking ID upang matukoy na isa akong estudyante ng SMU

Lumabas sa screen yung pangalan ko "Andalio, Diandra Ivy" at pinapasok na ako ng guard.

Kasalukuyan akong Grade 9 student sa nasabing paaralan. Dia (De-ya) ang tawag sa akin ng pamilya ko at mga kaibigan ko. Teka? Nasabi ko bang mga kaibigan? Huh! Hindi pala. Sa pagkakantanda ko wala nga pala akong mga naging kaibigan doon sa dati kong paaralan. Hindi ko alam kung bakit pero baka pangit o mabaho siguro ako. Ay ewan, hindi naman siguro.

Nagtungo na ako sa nasabing silid ko. Nakayuko akong pumasok dito at bahagyang tumunghay upang makita kung saan meron pang bakanteng upuan. Doon ako sa dulo dumiretso, lahat sila nakatingin sa akin. Mga mata na sa tingin ko'y pinandidirihan ako. Umupo na ako at maya- maya rin ay dumating na ang guro namin. Hindi naman sya late, napaagap lang ako.

"Good Morning Students" sabi nung teacher.

"Good Morning Miss. Arsenal" bigkas ng lahat mapwera sa akin dahil hindi ko naman alam kanina ang pangalan niya.

"You may now take your seat" Mukha naman sitang mabait at hindi nangangain ng tao.

"Guys, may bago tayong classmate. Ahh Iha maari ka bang magpakilala dito sa harapan." Sabi nung teacher na kahit nakatungo ako ay feeling ko ako ang kinakausap niya. Tahimik akong tumayo at nagtungo sa harapan. At muling nabaling nanaman sa akin ang atensyon ng lahat. Okay ayoko nito. Baka isipin nila napakaweird ko eh hindi naman totoo.

"Magandang Umaga. Ako nga pala si Diandra Ivy Espanto. Maari niyo akong tawaging Dia. Ahhhm hehe hindi naman ako weird na tulad ng iniisip niyo ngunit tao lang ako masiyahin kaya wag kayong ganyan. Bagkus ay maging kaibigan ko kayong lahat. Maaari ba iyon mga kamagaral ko?" Mahiya hiya ko pang binanggit yaan sa harapan at nakatungo ulit na bumalik sa upuan. Seryoso, ayaw ko ng atensyon.

Bumalik na ako sa upuan at muling nagdiskusyon ang guro.

"Okay guys, kwentuhan muna tayo. Ayoko rin naman na simula palang ng klase eh may mahirap na agad na lesson. Hahaha magkwentuhan muna kayo diyan dahil alam kong namiss nyo ang isat-isa." Nagsimula ng magdaldalan ang iba pero naputol ulit sapagkat muling nagsalita si Ms. Arsenal.

"NGUNIT huwag kalakasan ang boses. Sapat lang para magkarinigan kayo ah" sinunod naman ng lahat si Ms. Arsenal.

"Pweda na" sabi ng katabi ko na dahilan para mapaharap ako sa kanya. Ngayon ko lang siya napansin dito sa tabi ko.

"Hi Im Kael. Kael Beranda." Nakangiti niyang sabi. Okay cute siya inaamin ko.

"Uhh Hello" Pagngiti ko. Okay sige kinikilig ako.

"Pwede na" Kael

"Pwede na ang alin?" Tanong ko.

"Pwede na sana kaso masyado kang makata." Kael

"Ano namang masama dun?"

"Bawas-bawasan mo dahil baka mapagkamalan kang weird, mapasama ka pa. Hehe sige doon na muna ako sa iba nating kaklase. Nice meeting you" Umalis sya at kumaway sa akin.

Tumango nalang ako at ngumiti.

Siguro tanggapin ko na to. Ito ang tadhana ko eh.

Magmula sa pagiging simple eto ngayon ang tinatamasa ko.

Mula sa powdered milk na bear brand eto ngayon at Magnolia fresh milk na.

Mula sa hbw na ballpen, eto at G-tec na.

Mula sa TLC na telebisyon, eto ngayon at Flat Screen na.

Mula sa 3610 nokia, eto ako ngayon iPhone6 na.

Mula sa damit pangukay-ukay, eto branded na.

Mula sa Angel's breath, eto Victoria Secret na.

Mula sa Natasha, eto at naka Vans na.

Mula sa Johnson's Baby Powder, eto ako ngayon naka Enchanteur na.

Mula sa lotion ng Avon, eto at lumipat na sa branded from UK.

Anlaki ng pinagbago ng buhay ko mula sa kinagisnan ko noon. Ano na kayang mangyayari sa akin ngayon?

-

Once a PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon