[10] Good Mood

6 0 0
                                    

Chapter 10

#WTF

-

Kath's POV

Matapos ang insidente sa school grounds at isang linggo na pagpasok sa school habang pinepeste ni Daniel, eto kami nagkaayaan na makitambay sa bahay nina Daniel na hindi ko naman ikinareklamo dahil katapat lang naman ng tirahan ko.

"Kath, you want?" Pag alok sa akin ng chips ni Daezen na katabi naman ni Kats. Mukhang nagkakaayusan na silang dalawa ah. Simula palang na nakita ko silang dalawa, halatang may tama si Kats dyan eh.

Close na nga pala ako sa barkada nila. Bago pala kami ni Daezen sa kanila at sobrang laking pasasalamat ko dahil mukhang hindi naman magiging boring ang school year na ito.

Pinagmasdan ko lang sina Daezen at Kats na masayang nagsusubuan ng chips. Ang tam-es talaga nila pero sa tingin ko wala pa naman silang commitment. Petiks petiks lang kumbaga.

Sina Les at Sed na naglalaro ng kanilang iPad. Sa pagkakaalam ko, Updated version ata ng Plants Vs. Zombies ang pinagkakalokohan nila ngayon. Si Anikka, well eto lang sa tabi ko at masayang nagseselfie. Inaalok nya akong sumali pero isang shot lang eh umayaw na ako. Napakavain talaga nya.

Eto naman si Daniel pumasok saglit sa bahay nila ng as usual na mukha. Nakabusangot parin.

Humiga nalang ako sa sa couch at nagplug ng earphones ko.

Naidlip ako saglit ng biglang naramdaman kong may sumusundot sundot sa braso ko. Actually, sundot talaga na may pwersa. Ansakit ahh! Sino ba to?

Minulat ko ang mga mata ko at si Daniel na kanina'y nakabusangot ay napalitan ng mga ngiti ang labi.

"Nasa taas sila nagmomovie marathon" Daniel.

So? Tinanong ko ba?. Balak ko sana syang barahin ngunit mukhang maganda ang mood nya eh. At minsan lang ito.

"Daniel John ang pangalan mo diba?"

"Yes, bakit mo natanong yan?" Giit nya habang inaayos yung mga unan sa couch at nakangiti pa.

Natandaan ko ulit yung unang araw ng pagkikita namin. Crush ko sya sabi ko haaaaaaaaay, crush ko pa rin ata sya hanggang ngayon at hindi naman siguro nawala yun. Natatabunan lang ata ng kabwisitan ko sa kanya habang inaasar nya ako pero walang duda ang cute nya.

Natandaan ko na naman yung sinabi sa akin ni Papa. Bawal magboyfriend. Errr boyfriend? Ha? Crush lang kanina nasa isip ko ah. At as if naman may gusto rin sya sa akin.

Yan? Si Daniel? Naku malabo.

"Wala lang" sabay ngiti ko.

"Antagal mo naman bago makasagot. Hahahaha ikaw ha! Wag mo akong kaisipin Kath" At bumalik na naman sya sa pangaasar.

"Daniel pwede magtanong?"

"Ng?"

"Nagiisang anak ka lang ba?"

Napakunot ang noo nya sa tanong ko pero biglang napawi rin yun.

"May kapatid akong isang babae. Si Ate Roanna" Roanna? Roanna? Teka parang kilala ko yun ah

"Eh nasan sya?"

"Nagtatrabaho sa kompanya namin at minsang lang yun umuwi rito. Hayaan mo papakilala kita kapag umuwi sya" sagot nya.

Papakilala? *blush* teka! Ano ba itong iniisip ko. Erase erase.

"Pero..."

"Pero ano?"

Natahimik lang siya saglit at ngumiti.

"Ah wala, wala lang"

--

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

We're together forever [OngoingSeries]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon