Sa Hindi inaasahang pangyayari sa aking buhay na Hindi ko malilimutan dahil ito ang naging dahilan kaya nagbago ang panananaw ko tungkol sa pagmamahal.
Maraming ibat-ibang klase ng pagmamahal
Sa kaibigan, guro , pamilya pero hindi porque ikaw ay nagmamahal hindi ka na masasaktan.Mulat na aking mata at ilang pangyayari narin ang aking naranasan at masasabi ko na mahirap mahirap bumangon pero wala WALA kang magagawa kung Hindi maging matatag dahil tanging sarili mo lang Ang iyong kakampi.
Gumawa nanaman ako ng dahilan para maging makungkot dapat tigilan ko na ang pagiisip ng mga negatibong bagay na lubos na makakasakit saakin. Nasa biyahe ako ngayon pauwi traffic din dahil ginagawa ang ilang kalsada na maayos naman ngunit inaayos pa bakit Hindi nalang nila unahin ang mga ilang kalsada na dapat ayusin nakakaperwisyo tuloy sila ng mga tao .
Maluwag pa naman ang jeep na aking sinasakyan kaya patuloy na pagtawag ng pasahero ang driver kaya ako ito ngayon ay panay urong mainit pa naman ngayon dahil malapit na ang summer . Wala naman akong magagawa dahil pare-pareho lang naman kami ngayon ng dinadanas. Maya Maya ay nagtilian ang estuyante na tansiya ko ay mga highschool student palang kaya lumingon din ako para malaman kung anong meron.
Isang pasahero din na lalaki na gwapo kaya pala nag tilian ang mga estuyanteng ito. Pinagmasdan ko lang sila at napansin ko pati ang ilang pasahero ay naagaw ang atensiyon dahil sa kanya. Naghahanap ng mauupuan ang lalaki at panay turo naman ng mag estuyanteng ito ang banda sa aking harapan kaya dito na din ito umupo kaya pala ito ang itinuro dahil pinaggigitnaan nila ito. Sa hindi ko malaman ay bigla nalamang akong nainis na hindi ko malaman.
Nagsimula ng umandar ang jeep at bigla nalamang itong prumeno kaya nahulog ang aking wallet. Kukunin ko na sana ito ngunit naunahan ako ng isang kamay ng kung sino ang angat ako ng tingin at sumalubong saakin ang mga mata na mapupungay at kay ganda dahilan kung bakit bumilis nalamang ang tibok ng aking puso. Agad kong kinuha ang aking wallet at umayos ng upo ganon din ito.
Ngunit ramdam ko parin ang kanyang titig saakin buti na lamang at ako ay baba na kaya agad akong pumara.Nang ako ay nakakababa na muli akong lumingon at doon ko lubusang nakita ang kanyang muka at muli na namang bumilis ang aking puso.
Sa Hindi ko malamang dahilan ay agad agad akong tumakbo .
Isang bagay lang ang pumasok sa aking isipan pamilyar sa akin ang mga matang iyon ngunit hindi ko maalala.