Naantok na talaga ako. Pero malayo pa ang aking lalakarin papunta sa bahay . Ayokong sumakay dahil sayang sa pamasahe.
"Tulong!! Tulong!!"
Agad kong hinanap kung saan iyon banda at nakita ko ang lalaki na may hawak na kutsilyo at itoy nakakatutuok sa babae. The guy seems familliar to me. Kaya agad akong lumapit banda sa kanila. I'm not scared at all i can beat him with my bear hands .
Agad naman akong nakita ng matandang babae kaya sumigaw ito. "Miss please help me. " tsk kaya naman pala . The old woman is rich .
Bumaling naman saakin ng tingin ang lalaki . Oh i knew it . What the fuck did he do? I can't believe it .
"Ikaw ?" Tawag nito saakin
"Bakit?" Sagot ko
"Wag kang mangealam kung ayaw mong madamay" arg masasapak ko na talaga siya.
"Ikaw sa tingin mo ba tama yang ginagawa mo ha? " sigaw ko dito
"WAG KA SABING MANGEALAM !!" sigaw din nito. What the fuck.
"SHUT UP!! .May paki ako dahil mali ang ginagawa mo . Kung ako sayo itigil mo na yan at paalisin mo na ang matandang babae bago ako tumawag ng police!!"
Tinignan ko ang babae at itoy nakakatulala lang saakin. You will be ok trust me.
Mas lalo namang idiinan ng lalaki ang hawak nito sa matanda. Ang tigas talaga ng ulo buset. Sinasagad na talaga niya ang pasensiya ko."Ginàgawa mo iyan para sa pamilya mo diba? " tanong ko
"OO" i pity him for this
"Sa tingin mo ano nalang ang sasabihin ng anak mo kapag nalaman niya ang tatay na kanyang iniidolo ay gumagawa ng masama ha? " napatulala naman ito pero hindi pa ako tapos. "Ipapakain mo sa kanila ang pagkain na binili mo na galing sa nakaw? Hindi kaba makokonsensiya? "
"Tumigil ka dahil hindi mo ako kilala!!" Sigaw nito
"Hindi ako titigil hanggat hindi ka tumitigil at nagkakamali ka kung akala mong hindi kita kilala . Hindi ako maglalakas loob na kalabanin ka kung hindi kita kilala tandaan mo yan. "
"At paano ha?" Tanong nito mukang nagulat din. Tsk tapusin ko na nga ito para makatulog na ako.
"Kilala ko ang anak mo . Ako ang kaniyang tutor." Paguumpisa ko
"Hahahaha tutor ng anak ko?" Tawa nito na hindi makapaniwala
"Tama ang pagkakarinig mo" paglilinaw ko
"At paano naman nangyari iyon ? Mahirap kami at paanong mag kaka tutor ang anak ko ha? Nababaliw kana ba?"
"Oo tutor niya ako at hindi ako humihingi ng kabayaran willing akong tulungan ang anak mo dahil alam kong matalino siya. Ano nalang an sasabihin ng anak mo kapag nalaman niya ito ha? Kaya magisip ka . Hindi laging solusyon ang patalim tandaan mo iyan . Madami kang pwedeng gawin para magkapera pero sa paraang mabuti at hindi ka nakakasakit ng kapwa mo. Kailangan paghirapan mo hindi easy money . Ikaw pa naman ang padre pamilya dapat alam mo iyan dahil ikaw ang magtuturo ng tama at mali sa mga anak mo." Manabang aniya ko.
Napaluhod naman ito . Mukang napagtanto niya na namali ang kanyang ginawa. . Dinukot ko ang pera saaking walet at lumuhod din para magkapantay kami. Kinuha ko ang kamay niya at inilagay ang pera doon.
"Eto kunin mo para may pambili kayo ng pagkain at pambaon din ni joy bukas sa school alam kong maliit na halaga lang ito pero kahit papaano ay alam kong makakatulong sa inyo" tumigin naman ito saakin.
"Bakit?" Tangging nito lang ang salitang lumabas sa kaniyang bibig dahil narin sa pagkagulat dahil saaaking sinabi.
"Dahil gusto kong tulungan ka dahil alam kong hindi mo naman ito ginusto at alam kong mabuti kang tao yan ang dahilan ko kaya tumayo ka na diyan at humingi ng tawad sa matandang babe ok"
Sumunod naman ito saakin.
"Maam patawad po , patawad po , patawad po" paulit ulit niyang sabi habang nakayuko sa matandang babae. Habang ang babae ay saakin nakatingin at may munting ngiti sa labi .
"Pinapatawad kita iho at nawa ay huwag mo nang ulitin pa ito" sambit ng matandang babae sabay tanggal ng kaniyang kwintas at inabot ito. " ito tanggapin mo alam kong makakatulong ito sa iyo at sa pamilya mo" sambit ng babae .
Ako naman ay napangit dahil sa kanyang ginawa.
"Maraming salamat po. Maraming salamat po" umiiyak na sambit ng lalaki
"Ano pang hinihintay mo umuwi kana at naghihintay na ang pamilya mo para sa iyo " sambit ko na nakangiti
"Maraming maraming salamat sa iyo"
"Basta lagi mong tatandaan na hindi sa lahat ng pagkakataon sa patalim kakapit ok." Paalala ko
"Tatandaan ko iyan. Salamat muli " sambit nito at tuluyan ng umalis
Hahakbang na sana ako ng magsalita ang matandang babae. " Napakabuti na ng iyong kalooban " anito na nakapag nakapagpatigil akin.Humarap ako dito ng may ngiti sa labi
"Ginawa ko lang ang sa tingin ko ay tama " sagot ko bago tumalikod at nagsimula ng maglakad.
Hindi porket gumawa ng masama hindi na natin tutulungan ? Mali dahil ay may matindi silang dahilan kaya nakakagawa sila ng masama.