Nasa terminal na kami ngayon ng aking pamilya ngayon ang alis namin paluwas papuntang bulacan . Nag away kasi si mama at ang bunsong kapatid ni papa dahil saakin at ayoko ng alalahanin pa iyon . Matagal na din namang gustong umalis ni mama doon dahil Hindi lubusang tanggap ng pamilya ni papa si mama . Pero kahit ganon mababait naman sila saaming magkakapatid . Sa katunayan nga ay paborito ng aking nanang (lola) ang bunso kong kapatid at syempre ako din.
Hindi alam ni papa na ngayon ang alis namin dahil talagang pipigilan niya si mama pero desidido mama na umalis.
Tapos ng ilagay ni mama ang aming mga bagahe sa bus .
"Anak Tara na at malapit ng umalis ang bus kailangan na nating maghanap ng upuan "
Dali dali naman akong sumunod pinauna ko muna ang aking tatlong mga kapatid.
Pumuwesto ako banda sa binta katabi ko naman ang bunso kong kapatid.Ilang saglit pa ang aming hininintay para mapuno ang bus bago bumiyahe at ilang minuto lang Ang nagdaan itoy umandar na.
Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang huling sandali na masisilayan ko ang lugar kung saan ako lumaki . Ilang taon kaya bago kaya ako muling makakabalik siguro matagal tagal din. Madami akong taong iniwan na malalapit sa aking puso ang bestfriend ko na sila selene, mika at mga lugar na lubos kong ma mi-miss lalo na ang aming school , sa waig at iba pa.
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking luha habang tuluyang nawawala na sa aking paningin ang lugar na aking kinalakihan.
Isa lang ang aking hiling sana makabalik akong muli......
7 years later
Maaga akong nagising dahil may ESP kami ngayong araw at kailangan kong magreview para may maisagot ako mamaya mahihirap pa naman mga tanong ni Sir San . Nagtimpla muna ako ng gatad at naghanda ng aking almusal para naman may laman ang aking tiyan at may lakas para mamaya .
Pagkatapos kong kumain ay sinimulan ko ng magreview its already 5:00 am at 7:00 am pa naman Ang Pasok pero kailangan maaga ka dahil kapag late booon zero talagang manghihinayang ka kasi 200 pataas ang points na nawawala sa iyo.
I have 1 hour to review and memorized all these modules. Sana kayanin ng utak ko kase inaantok pa talaga ako pero ano bang magagawa ko kailangan mag review kundi bagsak.Mamaya ko nalang gigisingin ang mga maiingay kong kapatid mahirap magreview kapag gising sila.
Tapos nako magreview at kahit papaano ay nakabisado ko kahit mahahaba.
Niligpit ko muna ang gamit ko at inilagay saaking bag. Tinignan ko muna kung anong oras na at 5:45 am na kailangan ko ma ding magmadali at aasikasuhin ko ang mga kapatid kong tatlo. Inihanda ko nadin ang mga gamit nila at pati ng saakin. Pagkatapos ay nagplantsa."Kayong tatlo gumising na kayo anong oras na malalate na kayo" sigaw ko sa kanila dahil mahirap tong gisingin.
Bumangon na ang kapatid kong bunso na busangot ang muka.
"Panget mo maghilamos kana nga dun" Tumayo na din ang dalawa. Ako naman ay naligo na .
Nauna na akong umalis sa kanila dahil baka malate ako. Kaya lakad takbo ang aking ginagawa dahil malayo pa ang sakayan dito saamin.Sa aking pagmamadali para makasakay ay may nabangga akong lalaki agad naman akong humingi ng tawad dito . Nang lumingon ako muli ay nadatnan ko siyang nakatitig saakin at ang kanyang mata ay mababasa mo dito ang kanyang kalungkutan.
Bakit ganoon na lamang siya tumitig saakin?