Nessah..
Akala ko kung saan tayo pupunta..Dito lang pala sa Quezon memorial circle..May park naman dun sa school ah..ani ko kay kyle..
Tinignan lang niya ako sa dali tapos tumuloy siya ng lakad at umupo sa isang bench doon.
Grabe may pagkasaltik din ang ulo ng lalaking to.paiba iba ng mood.
So uupo na lang tayo dito? Tanong ko sa kanya.
Will you shut up..and just appreciate the place sabi niya na hindi nakatingin sa akin dahil nakapikit ang kanyang mga mata.
Wow ah..appreciate the place..eh nakapikit nga siya..napabuntunghininga na lamang ako at tumahimik na rin.
Mayamaya may lumapit sa aming dalawang batang nagtitinda ng mga roses.
Kuya kuya..kalabit ng batang babae kay kyle..
Napadilat si kyle at tinignan yung batang kumakalabit sa kanya..
Naku wag niyang sabihin papatulan niya pati bata ah..
Bakit? Walang expression na tanong ni Kyle sa bata.
Kuya bili ka naman sa amin ng flower oh..para sa girlfriend niyo po. Ani ng bata.
Girlfriend? Nakakunot na tanong ni kyle dun sa bata.
Opo. Yan pong katabi niyo, di ba girlfriend niyo po siya? singit na mukhang nakakatandang batang babae.
Bili na po kayo para ibati na po kayo ng girlfriend niyo. Mukha po kasi kayong may L.Q. ani ng maliit na na batang babae.
Kami L.Q ?hanep tong mga batang to ah... Itong lalaking to boyfriend ko?isipin ko pa lang ....naku ewan ...bakit ko pala iisipin? Kaya sumingit na ako sa usapan bago pa sumagot si Kyle.
Ahm.. mga bata ano.. di ko siya boyfriend. Turo ko kyle.
Weh..ate maniwala ako.nakita ko kayong sabay kayo pumunta dito...kaya may L.Q kayo ni kuya. Wag mo na itanggi ate.Sa gwapo ni kuya itatanggi mo siya na boyfriend mo sabi ng nakakatandang batang babae.
Aba ginawa pa akong sinungaling ng batang to..
Baby bakit mo naman akong tinatanggi sa harap ng mga bata sabay akbay sa akin ni kyle..Ano ang pinagsasabi ng lalaking to. Sabi ko na nga ba may saltik sa ulo to eh.
Hoy kyle tigilan mo nga ako at inaalis ko yung pagkaka akbay niya sa akin.
Ehhh..layo sabi ko.
See tama ako may L.Q nga kayo sabi ng maliit na bata.
So kuya bili ka na ng flowers sa amin ah para bati na kayo ni ate.
Hanep na mga batang to. Ano ang kinalaman ng flower sa pagkabati namin kuno ni kyle.
Sige,magkano ba ang lahat ng roses na yan? Tanong ni kyle dun sa mga bata.
Wow bibilhin niyo po lahat ,masayang sabi ng bata.
Tumango lang si kyle.
500 po lahat kuya...sabay na sabi muli nila.
Kumuha ng pera si kyle sa kanyabg wallet ng isang libo at binigay sa mga bata.
Kuya wala po kaming pamalit dito sa isang libo niyo. Sabi ng nakakatandang babae.
Keep the change na lang ah. Para sa pagtulong niyo sa pagbati namin ng girlfriend ko at inakbayan na naman ako ni kyle.
Ate ibati niyo na si kuyang pogi. Bah ang bait pa niya. Ang swerte niyo po sabi ng maliit na bata.
Umoo na lang ako.
At sabay takbo ng mga bata paalis.
Babye po at thank you po sigaw nila sa amin.
Kumaway na lang ako sa kanila. Sabay alis ulit sa kamay ni kyle na nakaakbay sa akin.
Tsansing ka na ah..pairap na sabi ko kay kyle.
Napangisi lang siya sa akin sabay bigay niya sa akin ng mga roses..
Oh girlfriend sayo na.. at tara na bumalik na tayo sa campus. sabay tayo niya.
Ako tulala first time ko kayang makatanngap ng flower kahit unintentionally na hindi talaga ito para sa akin.
Tumayo na rin ako at sumunod kay kyle. Another wasted day for me but somehow worth it na rin dahil ...
May nakita akong ibang side ng pagkatao niya.
BINABASA MO ANG
Love letters only for you...
Teen FictionNessah is a simple and very smart girl.Magaling din siya sa pagguhit kaya naging scholar siya sa isang prestigious school kung saan halos lahat ng mayayaman sa bansa ay dito nag aaral. She wanted a peaceful college life and graduate without complica...