Chapter one: Meet both side...Nessah and Kyle

60 2 0
                                    

Hi to all...first story ko to sa wattpad so please bear with me.... yung video sa side ay galing sa isang korean drama na The Heir.post ko lang since ung mga character ko portray by park shin hye and Lee min Ho.

Chapter 1

Nessah Side

Welcome!!! sabi ni Nessah sa sarili...pagka apak palang niya sa may harapan ng isang malaking gate ng kanyang eskwelehan..ang Astillian University....

Ako nga pala si Nessah. well galing ako sa isang simple pamilya. I can say middle class Family  pero di parin afford ng magulang ko pag aralin ako dito sa school ko ngayon. Big thanks na lang dahil naging scholar ako dito.May mini groceries store at karinderyang pinatatakbo ang mga magulang ko at iyun ay sa ibaba ng bahay namin.

Maswerte ding masasabi dahil amin ang bahay at lupa na kinatitirikan ng little business ng parents ko. Thank you sa pamana ni Lolo ang ama ng aking papa.

Well sa looks ko naman sabi ng mga friend ko cute daw ako..hehehe parang aso lang(joke)

kasi napaka tambok daw ng aking mga pisngi. 

Hanggang balikat naman aking buhok .

Hindi ako payat, siguro na sa between ng di naman payat at di rin naman mataba kung meron nun.hehehe. Sa totoo lang mahirap mag describe ng sarili.

O sige balik tayo sa kasalukuyan...

First day of school..

kung ang ibang estudyante ay excited pumasok sa kanilang paaralan

mas excited si Nessah dahil sa huling taon na niya sa school bilang 4th year fine arts student.

malapit na matupad ang kanyang pangarap na makilala bilang isang sikat na pintor..

Actually marami na siyang nagawang painting kaya lang nahihiya pa siyang ilabas ito...

"Nessah!!!"

Nagulat si Nessah sa pagtawag o tamang sabihing pagsigaw ng kanyang bestfriend at kapwang scholar na si Demery...

"Nessah nandito ka lang pala..kanina pa kitang hinahanap." sabi ni Demery

"At bakit mo naman ako hinahanap friend "tugon ko.

"Bakit? masama bang ma miss kita? di kaya tayong nagkita buong summer bakit san ka ba lumulusot ha...mukhang malaki yata ang naipon mong pera ha....ano ba raket natin? ha ha" ani ni Demery.

"Miss na din kita friend" sabay yakap ko kay Demery pero bigla ko rin siya inilayo sa kin..

"Wait lang friend..miss mo na ko yun lang pala ang dami mong sinabi."

"Bleh! "pagdila sa kin ng bestfriend ko.."eh sa na miss kita..."

"OO na ."

"Tara Demery baka ma late pa tayo sa klase natin..ang layo pa naman ng building mo sa building namin  at later ko na sabihin sayo kung ano ginawa ko nung summer."Hinila na niya ako papasok sa loob ng school.

Di ko pala nasabi sa inyo. Si Demery po ay isang veterinarian student.kaya kailangan namin magmadali papunta sa klase namin dahil mag kabilang ibayo pa ang building namin sa laki ng school..Magkakabata din kami ni Demery..Kita mo naman pareho kami Matalino at silence lang ang kagandahan..hehehhe

"Sige friend..ba bye na see you later...."sabi ni Demery

"Ok..ingat at goodluck" tugon ko sa kanya...

pagtingin ko sa relo ko.....

"oh my!" sabay hawak sa pisngi ko

shemay 10 minutes na lang late na ko sa klase...sa dulong walang hanggan pa naman ang building namin...sabay takbo ko....eh kung sana may sasakyan ako katulad ng karamihang students dito makakarating agad ako...

bago ako tumakbo sa building namin.napansin ko na parang halos lahat ng estudyante ay may pinagkakaguluhan sa gate...

sa tingin ko siya na yun..

uhmm paki ko..

pagtingin ko sa relo ko uli..naku 8 minutes na lang..

Tingin tingin ka pa kasi dun at biglang batok sa sarili

Naku...

takbo Nessa! takbo....

Ayaw kong malate sa first day of class..

. TAKBO!!!! NESSAH

Kyle Side

"Master Kyle ito na po ung bagong relo na binigay ni madam. susuotin niyo po ba?" ani ng aking personal butler na si Mr. Kan.

"Mr.Kan, alam niyo na po kung ano ang gagawin diyan." inip na sabi ko.

"Opo Master."

Tinignan ko lang si Mr. kan sa paglagay niya ng mamahaling relo sa isang cabinet na kung saan nakalagay sa marami pang regalo na bigay ng aking magulang.

Ako nga pala si Kyle Marcus Astillan ..

Anak ng MOmmy at Daddy ko...deh joke lang

seriously I'm the son of the most Influential and wealthy business tycoon Mr.Dave Astillian. As you can see or read, we own the Most prestigious school not only here in the philippines but also in the world.. the Astillian University. name after our prestigious last name..

We also own the most prestigious five star Hotel,Resort and airlines that scattered around the world. kailangan may prestigious sa mga salita...yabang ko noh..sorry na lang may pagmamayabang talaga.

"Mr. Kan pakihanda ang sasakyan.."

"Nakahanda na po Master kyle."

"Very good.."

First day of school at siyempre last year na rin bilang Business Administration student..

Sumakay na ako sa aking Red Ferrari at pinatakbo ito ng mabilis.

you know i love fast car...

pagpasok pa lang ng aking sasakyan sa gate ng school ..

grabe pinagkaguluhan na ko ng mga naka abang na estudyante buti na lang alert sina manong guard para hawiin ang mga fans kundi sesante kagad sila sa kin.

Well paparada pa lang ako sa parking lot nakikita ko na ang barkada..

katulad ko pinagkakaguluhan din sila ng mga estudyante.wala eh mga sikat..

 Note: Chapter one pa lang po to..bukas update uli ako o kaya mamayang madaling araw...Thank you sa pagbasa.

Love letters only for you...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon