Chapter 2: Astillian University- Group Name

56 1 0
                                    

Nessah Side

Hay! buti na lang di ako na late sa klase..sa kadahilanan na busy ang prof. namin at di siya makakapunta.

Well first day pa naman..

Nandito ako ngayon sa madalas kong tambayan.. tinatawag ko siyang mahiwagang puno ng mangga.

ang lugar na kinaroroonan ko ay malayo sa mata ng students dito pero lahat sila kita ko.

Sabagay sino ba naman ang tatambay dito eh kung meron naman silang cozy na upuan sa loob ng Cafeteria kung matatawag siyang cafeteria ah.

Okay since wala akong magawa at nasimulan ko na, describe ko na lang ang itsura ng buong school.

Ang school ko ay talagang napakalaki as in..

posible pa lang mag exist ang isang school na tulad nito.

Ang School ay may apat na division. Pre-school, Grade school , High School at College.

Ang kulay ng Uniporme ng bawat Estudyante ay nakadepende kung saang division ka nabibilang.

Pink sa pre-school

Green sa Grade school

Dark blue sa High school

Well ang uniform sa college ay depende sa kursong kinuha at depende na rin sayo kung susuotin mo siya, meaning pwede pumasok na naka sibilyan.

Marami siyang building at bawat design ng building ay depende kung anong college o kurso ang kinuha mo.

Halimbawa, ang building ng Fine arts ay parang isang malaking museum na makikita lamang sa ibang bansa ang style at design.

Ang building ng Hotel and Restaurant Management ay parang isang napakagandang Hotel. Ang mga estudyante ng kurso ito ay namamahala sa mga pagkain hinahanda sa mag kainan na nakalibot sa buong campus.

Kaya nga nag babaon na lang ako ng pagkain kasi parang ginto na ang pagkain dito.

Ang dami ng building dito ay nakadepende sa dami ng kurso na inaalok ng school.

Eh halos lahat ng kurso ay ini offer ng school kaya di ko na mabilang ang building dito

at ayaw ko pahirapan sarili ko sa pagbibilang.

Sa mga facilities naman ay talagang pang world class. Ang bawat colleges ay may sariling library maliban sa main library na isang parang Glass house na two storey. 

Ang Glass house Library ay nakatayo sa gitna ng hardin. Ito ay napapalibutan ng mga puno at iba't ibang klase ng bulaklak at halaman.

Di ba ang sosyal.Tama lang na nasa tahimik na lugar nakapwesto ang main library.

SaTechnology naman.

Grabe talagang Hi tech. Ang bawat building ay may sariling Computer Room.

Ang bawat room ay may sariling LCD projector at screen. May nakahanda na ring computer.

Nakakahiya talaga sa school nato kung wala kang Laptop o tablet na magagamit. Buti na lang can afford ni pudra bumili pero hindi ganun kakamamahalin katulad sa mga estudyante dito.

pasikatan kung gaano kamahal o bagong labas na gadgets.

Nasabi ko ba sa inyo na halos lahat ng gate dito sa school ay pinapagana din ng computer. siyempre expected na buong school ay may hi tech na cctv. parang big brother lang ang peg no.

Ang Laboratory naman ay isang malaking building din. Halos lahat na kailangan mo nandun. Kompleto at Hi-tech talaga ang mga gamit.

Ang School ay may isang malaking Theater din na kasing laki ng CCP sa may pasay. 

Love letters only for you...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon