Chapter 1
Few Months Ago
"Kheia! Iha, male-late ka na papuntang school. Gising na dyan." Narinig kong sabi ni Nay Belen habang marahang kinakatok ang pinto.
Si Nay Belen naman oh. Ang aga pa. Inaantok pa ako e. Anong oras na ba?
"Nay Belen, anong oras na po ba?" Tanong ko habang nakahiga pa din sa kama at nakapikit.
"Naku iha, alas otso na ng umaga. Di ka pa nakakapag handa papuntang school."
Dahil sa sinabi niyang yun ay napabalikwas ako ng bangon at dali-daling hinanap ang tsinelas ko at binuksan ang pinto.
"Nay Belen naman, Ba't ngayon niyo lang ako ginising? Naku naman! Patay ako nito sa teacher ko."
"Abay kanina pa kitang ginigising diyan, hindi ka naman gumising" Rason niya.
"Whaah! Maliligo nako!" Nasabi ko na lang.
Patay ako neto! Terror teacher pa naman yung una kong subject! 8:30 pa naman yung start ng klase. Dali-dali na akong naligo, nag toothbrush, nag ayos at nagbihis ng uniform. Agad na akong lumabas ng kwarto at bumaba.
"Nay Belen, alis na po ako!" Sabi ko habang nagmamadaling lumabas ng bahay.
"Kumain ka muna,Iha." Narinig kong sabi niya.
"Sa school na lang Nay, late na talaga ako!"
"Oh siya, mag ingat ka" Narinig kong pahabol niya pero hindi ko na sinagot.
Tinignan ko yung wrist watch ko and geezz! Whaahh! 8:20 na! Halos takbuhin ko na ang papuntang school! Huhu! Yari ako nito eh! Malapit lang naman sa bahay yung school na pinapasukan ko kaya nilalakad ko na lang. Exercise din naman yun.
Nakarating na rin ako sa school pero hell! 8:35 na!Nasa forth floor pa yung klase ko! Kainis naman oh! Tinakbo ko na talaga mula gate papunta sa klase ko para lang hindi na ako mapagalitan ng sobra dahil sa sobra kong late.
Halos hinihingal ako nung dumating ako sa room namin.
"Good Morning Ma'am, Sorry I'm late" Nakayuko kong sabi pagkadating ko sa room. At dahan dahang humarap sa mga kaklase kong nasa akin na ang tingin at parang natataka sa akin.
⊙﹏⊙
"Ay sorry po!" Paghihingi ko ng pasensya at dali-daling lumabas.
Taena lang! Whaahh! Mali yung napasukan kong room! Putrages! Tumakbo na ako sa room ko talaga at chineck na talaga if yun na talaga ang room ko at yun na nga. Pumasok na ako sa room.
"G-good morning, Ma'am. I'm sorry I'm l-late" kinakabahang sabi ko.
"You're late, Ms. Rivera."
Alam ko naman, Ma'am. Sinabi ko na diba?
"S-sorry,Ma'am" Sabi ko na lang at marahang yumuko at akmang pupunta na sa upuan ko nang tawagin ulit ako ni Ma'am Catalena. Ito na talaga ang ayoko sa lahat.
"Answer this problem as your punishment for being late." Mataray niyang sabi.
"Ma'am?"
"Hindi mo narinig yung sinabi ko Ms. Rivera? Uulitin ko?"
"A-ay hindi na po kelangan, Ma'am. Hehe"
Pumunta na ako sa harap ng board at peste! Anong isasagot ko? Hindi ako maalam sa math! Kinuha ko na yung whiteboard marker sa kanya at sinimulang magsulat ng formula. Tama kaya itong sinusulat ko?
Napatigil ako sa pagsulat at napatahimik din ang klase nang may nag salita sa labas ng pinto.
"Um. Good morning Ma'am. Excuse me. Is this Grade 10-Harmony's room?"
BINABASA MO ANG
Her Sweetest Avenge
JugendliteraturKheia Leign Rivera was just a nobody in her school but not until he met Franzoise Julz Cañedo, a new student in her school. He courted her and make her fall in love with him. After that, he broke her heart. That made Kheia worse than ever. She plann...