Chapter 4

4 1 0
                                        

Chapter 4

Hindi ko alam kung bakit ko 'to nararamdaman pero parang may sumusunod sa akin.

Nagpalinga-linga ako sa paligid pero wala naman akong makitang tao. Kinilabutan ako.

Malapit nang gumabi at hindi pa ako nakakauwi. Walangyang terror teacher naman talaga yun e. Tinambakan talaga ako ng mga gawain. She's being unfair! Yan tuloy, napilitan akong pumunta sa library para hanapin yung librong sinabi niya at binasa yun.

Hindi ko na nalaman na sobrang hapon na pala kung hindi pa ako sinita ng librarian. Mas natagalan pa ako nung pumunta pa 'ko sa locker room at nilagay yung ibang mga gamit ko.

Pagkalabas ko ng locker room, naramdaman ko na agad na parang may nagmamasid sa akin pero binalewala ko lang yun. Baka kasi guni-guni ko lang. Pero nang may maramdaman na talaga akong nakasunod sa akin, hindi na talaga 'to guni-guni lang. Hindi pa naman sobrang liwanag dito sa school. May mangilan-ngilan lang na mga ilaw sa hallway kaya medyo madilim pa din.

Kinakabahan ako. Baka multo 'tong sumusunod sa'kin. Mas binilisan ko na ang paglalakad. Halos takbuhin ko na nga ang daan papalabas ng school.

Medyo madilim na talaga dito dahil sa ilang mga puno tapos idagdag pa yung mga nagtataasang buildings.

Sabi pa naman nung Elementary ako, sementeryo daw dati yung mga paaralan. Hindi pa naman ako naniniwala sa mga ganun kasi parang napaka imposible naman kasi. Sinong baliw na may ari ng paaralan naman ang magtatayo ng paaralan sa dating sementeryo?? Pero parang maniniwala na ako ngayon.

Nung malapit na ako sa gate ng school, nagulat ako nung may tumunog na cellphone. Sa sobrang bigla ko, dali-dali kong hinalughog ang cellphone ko sa bag pero pinakinggan ko ang ring ng cellphone na yun at hindi yun galing sa akin.

Mabagal akong lumingon sa likod ko habang nakapikit ang dalawa kong mga mata. Natatakot ako sa makikita ko. Matatakutin pa naman ako.

"Isa... Dalawa... Tatlo..." Bilang ko habang nakapikit pa rin.

"F-fuck." Napamulat ako dahil sa gulat nang dahil dun.

"I-ikaw!!!" Takot kong sabi  habang dinuduro siya pero nilakasan ko na ang loob ko. Dapat hindi ako matakot.

Napatingin siya sa akin. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa medyo madilim sa parte na ito. Idagdag pa na medyo nakakasilaw ang ilaw mula sa likod niya.

Napapikit ulit ako ng mariin.

"B-ba't mo 'ko sinusundan lintek na multo ka!!! Hindi naman kita kilala! Anong atraso ko sayo ha? Nagalaw ko ba punso mo??? Sorry na! Hindi ko sinasadya! Hindi ko naman alam na doon ka pala tumitira kaya please lubayan mo na-----"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa nakakabinging tawa ng multong nasa harap ko.

Halos mahiga na sya sa sahig sa kakatawa. Napatulala ako doon.

"Damn it, Kheia? You think I'm a ghost?" Natatawang sabi niya habang hawak ang kanyang tiyan.

Naningkit ang mata ko dahil sobrang kilala ko kung kaninong boses yun.

"Putang ina mo!" Galit kong sabi sa kanya.

"Hahaha. Seriously,Kheia? Kelan pa nakatira yung multo sa punso? Diba parang duwende naman yung dapat nakatira sa punso? Kakaiba ka talaga, Khei." Natatawa pa rin niyang sabi.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Gago!" Inis kong sabi at tinalikuran ko na siya.

"Wait, Kheia!" Habol niya sa'kin.

Her Sweetest AvengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon