Chapter 2
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Punyeta! Ginulo niya na buhay ko! Sarap niyang sipain papuntang Mars!
Kasulukuyan lang naman akong pinagbubulungan ng mga chismosang higad dito sa school.
"Is that her? Ang baba ng taste niya." Anong pinagsasabi mong mababa ang taste?(;一_一)
"Sinabi mo pa! Look at her! Hindi naman kagandahan." Hoy Miss bago ka mag salita ng ganyan siguraduhin mong maganda ka, tignan mo nga mukha mo sa salamin! Mukha kang hippopotamus!
"Ang swerte niya kay Papa Franzoise!" Anong swerte dun? Minalas nga ako e!
Lord, please help me. Sana wala ako ditong makitang kaaway. Masasapak ko talaga yung mokong na yun.
"Hey, bitch." Lord naman! Kakadasal ko lang na wala sana akong makaka-away eh!
Nagulat ako nang may humarang sa dinadaan ko. And hell! It's Landice Chloe Cortez. The bully. Together with her alipores. Paktay kang bata ka. (ಥ﹏ಥ)
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot. Takot kung anong gagawin niya sa akin.
"Um. Excuse me." Nakayuko kong sabi.
Akma na akong aalis nang hinatak niya ang braso ko.
"Hindi pa tayo tapos mag-usap, bitch! Ang bastos mo naman kung aalis ka na agad, diba?" Mataray niyang sabi at mas diniin ang pagkakahawak sa braso ko. Napangiwi ako dun. Ang sakit e.
Hindi ako sumagot sa kanya at nanatiling walang imik. Halos mga estudyante ay nasa amin na ang atensyon at napatigil din sa mga ginagawa nila.
Jusmeyo,Marimar! Tulungan niyo po ako. Naway hindi po ako uuwi ng patay. Mahal ko pa po sarili ko.
"Wala pa nga akong ginagawa sayo, namumutla ka na?" Nakakalokong sabi niya at sinamahan niya ng tawa. Pati na ng mga alipores niya.
Hindi ulit ako sumagot. Ano naman ang isasagot ko sa sinabi niyang yun? Natakot kasi ako sa itsura mong parang halimaw. Ganun?
"You know Franzoise?" Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa mga labi niya.
"A-ah yeah?" Hindi ko siguradong sagot. Halos hindi na ako makahinga sa kaba at takot.
"Hmm. Good! You better stay away from him or else you know what will happen to you next."
Tanging tango lang ang nasagot ko sa sinabi niya sa sobra kong kaba. Alam ko kasi kung anong pinanggagawa niya sa mga biktima niya.
BINABASA MO ANG
Her Sweetest Avenge
Fiksi RemajaKheia Leign Rivera was just a nobody in her school but not until he met Franzoise Julz Cañedo, a new student in her school. He courted her and make her fall in love with him. After that, he broke her heart. That made Kheia worse than ever. She plann...
