Chapter 3
Myghad, Cassie! Sinuntok ko na't lahat ito pa rin po siya sunod nang sunod sa akin. Palaging nakabuntot kahit saan ako magpunta! Parang aso. -_-
"Kheia! Can you let me talk to you ng maayos? At least once." Nakikiusap niyang sabi.
Kanina niya pang paulit- ulit na sinasabi yan at paulit-ulit ko ding sinasagot na....
"Ayoko nga!"
Nakakairita na siya! 'Di niya ba alam yun?
Nasa rooftop kami ng building ngayon. Ito talaga yung tambayan ko palagi. Pesteng mokong naman na 'to! Sinundan niya ako mula sa room papunta dito. Hindi nakaka intindi ng "ayaw" e.
"Bakit nga?"
Nabibwiset na'ko sa mokong na 'to. Sarap sapakin ulit e.
"Paulit-ulit lang tayo e. Ayoko nga kasama ka,okay? Maghanap ka nang ibang mapagtripan mo!" Masungit kong sabi sa kanya at sabay na tumalikod ako pero natigilan ako sa sinabi niya.
"Akala mo pinagtitripan lang kita? Gusto nga kita!"
Put a tang in a..... In a pitcher? Lol.
Ano sabi niya? G-gusto niya ako? Ako talaga?
"H-hoy Fransoooyyyyssseee!! Wag ako pinagtitripan mo! Anong pinagsasabi mo d'yang gusto mo ko?"
"Arrgggh! It's Franzwaaa! Not Fransoyse!" Asar niyang sabi na nakapagpatawa sa 'kin. Sarap niyang inisin.
"Paki mo ba sa itatawag ko sayo? Fransoyse gusto ko e."
Napangisi siya sa sinabi ko. Ano bang sinabi ko? Wala namang ano dun ah.
"H-hoy! Anong nginingisi-ngisi mo dyan!" Inis kong sabi sa kanya.
"You like me." Nakangisi niyang sabi.
Ay kapal muks nitong mokong ah.
"Asa ka! Never kitang magugustuhan!" Sigaw kong sabi.
Ngumiti siya sa'kin ng matamis.
"Wag kang magsalita ng tapos, Kheia. Baka sa susunod, ikaw na lumalandi sa'kin." Nakakaloko niyang sabi.
"H-hoy! Kapal ng mukha mo! Alam mo ba yun?!"
"May hindi ba makapal na mukha?"
"Aba't!" Tengene namimilosopo na naman siya. Nakakainis!
"Hayst, Kheia. Hindi mo talaga ako kakakausapin ng mahinahon?"
"Hindi! No! Never! And that's final!"
"Hm. If that's what you want. Pero simula ngayon, liligawan na kita. Whether you like it or you like it."
A-anong trip nito sa buhay?
Napabuntong hininga na lang ako. Dumadagdag siya sa problema ko.
Why is he like this? Maybe he's up to something. At ako yung target niya? Or ako yung gagamitin niya? Aissh! Lumalayo na nga ako sa away, tas siya pa yung lapit ng lapit.
"Why?" Seryoso kong sabi sa kanya.
"Ako nagtatanong niyan kanina e. Sagutin mo muna yung bakit ko."
BINABASA MO ANG
Her Sweetest Avenge
Teen FictionKheia Leign Rivera was just a nobody in her school but not until he met Franzoise Julz Cañedo, a new student in her school. He courted her and make her fall in love with him. After that, he broke her heart. That made Kheia worse than ever. She plann...
