Chapter 7: Group A

187 17 3
                                    

            Pagkatapos ng nangyari ay umuwi na kami ni Amy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

            Pagkatapos ng nangyari ay umuwi na kami ni Amy. May bus kanina na nagsusundo samin sa harapan ng gate ng St. Marie. At agad na mag-mamagic na bigla bigla na lang nakarating yung bus sa totoong mundo at totoong daan.

Dumiretso na kaming dalawa sa unit nya. Pagpasok ko sa unit nya ay namangha ako sa sobrang linis ng paligid. Nahiya tuloy ako sa unit kong napaka gulo. (╯^╰)

Naamoy ko bigla ang isang napakabangong pagkain kaya parang naglakad na mismo ang mga paa ko papunta don. Nadatnan ko sa kusina ang mesang punong puno ng masasarap na pagkain.

"That is called magic darling." Ani Amy.

"Talaga ha." Nakangisi kong sabi.

"Andito na ako." Biglang sabi ng isang lalaki papasok sa unit ni Amy ng hindi man lang nagdoor bell.

At sabi na nga ba. Si Mr. Seryoso. A.K.A. Flame Roberds.

Bwisit na batugang lalaking to. Hindi man lang nagdoor bell.

"Oh ba't ganyan ang tingin mo sakin. Parang galit ka." Ani Flame.

Huh! Buti alam nya!

"Eh basta basta ka na lang kasing pumapasok." Sagot ko.

"Bakit? Sayo ba ang unit na to?" Sagot nya.

"Eh ikaw? Sayo ba to ha?!" Sigaw ko. Umeepal na sya ah!

"Whoa! Guys easy.. Relax lang kayo tsaka It's no big deal naman. Andito lang naman tayo para magdinner diba?"

Tumango na lang ako at ako na ang naunang umupo sa harap ng mesa. At sumabay na din sila.

Oh my god. Heaven. (❂◡❂)

"Hoy baka pati kami kainin mo dahil sa pagnanasa mo sa mga pagkain." Ani Flame.

Inarapan ko na lang sya at nagsimula na lang akong kumain.

Waaaaaah! Ang sarap! Eto pa tikman ko. Waaaaah! Ang sarap din neto! Mas masarap pa to kesa sa mga linuluto ng mga chef namin dun sa bahay ah. Num num.. Mmmmm! Ang saraaaaap!

Nakita ko nang tumatawa sina Amy at Flame kaya medyo kinontrol ko na yung sarili ko sa pagkain. Tsaka baka tumaba pa ako dahil dito.

"So... Gusto ko sanang sabihin na officially SMA students na tayo!" Sigaw ni Amy.

Na ikinatigil namin ni Flame.

"Nag-aaral din sya sa main campus?!" Sabay naming sigaw ni Flame tsaka kami nagturuan.

"O-oo.. Both of you.." Sagot nya.

"Hindi ko inexpect na nag-aaral ka din don." Ani Flame.

"Kanina ko lang naman nalaman. Tsaka bukas palang yung start ng class ko." Sagot ko.

"Newbie.." Ani Flame.

"Ano bang problema mo pag newbie ako ha?!" Oo nga pala. Masama to sa gracia. Kaya binaba ko na lang yung boses ko.

St. Marie Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon