Chapter 56: Truth of the Past

74 8 0
                                    

Maureen's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Maureen's PoV

Naglakad lakad ako sa paligid ng St. Marie Academy at nakikita ko ang mga studyanteng nakangiti. Pero namamayapa ang katahimikan dahil nagmumuka na silang mannequin lahat.

Hindi ko alam kung bakit nagtungo ang mga paa ko sa office ni Headmaster Grim. Siguro dahil kailangan kong itama ang pagkakamali ni Sky. Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto. Natagpuan kong naka freeze si Ms. Trina sa harapan ng HM at mukang galit na galit. Si HM naman, naka upo lang.

Nagtago ako sa likod ng isang kurtina at in-unfreeze ang oras. Sa wakas, gumana na this time.

"But Dad they cheated!" Galit na sabi ni Ms. Trina. "Isang SSG President ang leader nila at hindi man lang sila nahiya!"

"Calm down Trina." Mahinahon na sabi ng headmaster.

"Calm down? Ano na ang sasabihin ng mga legend witches satin dad? Baka isipin nila na hindi natin sila pinapaaral at trinetrain ng mabuti!"

"So ano ang balak mo? Kick them out in this school?" Tanong ng HM.

"No, we should punish them. Tatanggalin natin ang mga powers nila." Kunot noong sabi ni Ms. Trina. "Hindi na natin maibabalik ang twilight orb dahil nagamit na nila."

"No..." Lakas loob kong sabi. "Please... don't."

Gulat na lumingon sakin sina Ms. Trina at Headmaster Grim.

"P-paano ka nakapasok dito?" Seryosong sabi ni Ms. Trina.

"Wag nyo silang parusahan... please..." Pagmamakaawa ko tsaka ko pinunasan ang tuloy-tuloy na pagtulo ng mga luha ko. "Walang kasalanan ang mga kaibigan ko."

"But... your group cheated, hija." Sumbat ni Headmaster Grim.

"We will not give you another exemption." Seryosong sabi ni Ms. Trina.

Paalis na si Ms. Trina sa office pero agad akong lumuhod sa harapan nila.

"Ako na lang ang parusahan nyo. Wag lang ang mga kaibigan ko, please..." Iyak ko pa ding sabi.

"Pagbigyan mo na sya Trina, bata pa naman sila para parusahan natin." Seryosong sabi ng HM.

Namayapa ang katahimikan ng ilang segundo. Pagkatapos non ay sinira na din agad ni Ms. Trina ang katahimikan.

"Fine." Tipid na sagot ni Ms. Trina na ikinagaan ng kalooban ko. "But I will punish you in return."

"Handa na po ako." Walang takot kong sagot.

Kumuha si Ms. Trina ng isang boteng ginagamit sa potion making. At tinaas nya ang kanyang kamay. Umilaw ng kulay berde ang kanyang mata. At biglang umagos ang isang kulay gintong ilaw mula sa kamay ko.

Naghihina na ako sa ginagawa ni Ms. Trina sakin, hinihigop nya ang kapangyarihan ko. Ito na nga ang hinaharap na nakita ko kanina, at nangyayari na ito sa kasalukuyan. P-pero wala akong pinagsisihan... dahil ginawa ko lang ang tama.

"Princess Maureen!" Sigaw ng isang lalaki mula sa pintuan. Si Drei.

"No!" Sigaw naman ni Nick.

"Princess Maureen wag!" Si Paul.

Ngumiti na lang ako sa kanila at tumulo na naman ang mga luha ko.

"Ginawa ko to para sa inyo..." Sabi ko habang pilit na ngumingiti.

Sila ang apat na lalaking nagmahal sakin ng sobra. Hindi nila ako pinagnasaan kundi itinuring nila akong kapatid. Alam kong mahal nila ako at mahal ko din sila. Sila ang nasa tabi ko noong mga araw na nasasaktan ako. Sila ang nangalaga sakin kapag nagkakasakit ako. Sila ang tumutulong sakin kapag nangangailangan ako ng tulong. At silang apat lang ang laging nandyan kapag kailangan ko ng makakapitan.

Ngayon, ako naman ang tutulong sa kanilang mag bagong buhay. Kahit na isa sa kanila ang nagkamali, sana maging aral na to sa kanila. At sa akin.

Unti-unti nang nawala ang ilaw na kulay ginto mula sa kamay ko kaya agad akong nanghina at napahiga.

"Maureen!" Sigaw ni Sky at agad syang lumapit sakin at inalalayan akong umupo. "Bakit mo to ginawa? Ako ang may kasalanan kaya ako dapat ang maparusahan."

"No... I should be the one who should be punish. Dahil naging pabaya akong leader sa inyo." Nanghihina kong sabi.

"Stop that damn tears!" Sigaw ni Sky. "Alam mong nasasaktan akong makita kang umiiyak."

Umiiyak na naman pala ako, ang duwag ko talaga...

"Ngayong hindi na ako witch. Kayo na lang ang magpatuloy sa laban." Seryoso kong sagot. "Wag kayong mag-alala, susuportahan ko kayong apat."

"No, Princess Maureen. Ikaw ang prinsesa namin at kami lang ang iyong tagapaglingkod."

"Nick is right, at si Sky lang ang prinsepe mo." Ani Drei na may nakaka-asar na tingin.

"Shut up Drei." Pagpipigil ni Paul.

Napangiti ako sa sinabi nila. Kahit na wala na akong kapangyarihan, napapangiti pa din nila ako.

"Stop this sad moment of yours." Biglang sabi ni Ms. Trina. "Hindi ko naman kinuha lahat ng powers mo, Ms. Tenoji."

"A-ano?" Naguguluhan kong tanong.

"Five over one-hundred percent ang itinira ko sa katawan mo. Bilang self protection in case na may mangyaring masama sayo." Sagot ni Ms. Trina. "Pero nasa golden bottle na ito ang ninety-five percent ng powers mo."

"At itatago na namin to. Pero kung gusto mo itong makuha ulit. Then you should continue making good deeds. You should not regret and accept the decision you have made." Nakangiting sabi ni Headmaster Grim.

"Pinapangako kong ibabalik ko muli ang kapangyarihan ko sa tamang oras. Kukunin ko ito sa inyo sa oras na matanggap ko ang mapait na pangyayaring nagdaan sa buhay ko."
Seryoso kong sagot.

Babalik din ang kapangyarihan ko kapag nakuha ko muli ang twilight orb. Lalaban ulit kami sa susunod na grand prix.

Sa susunod, lalaban na kami ng patas...


End of Throwback.








***










Harmony's PoV

Minulat ko na ang mga mata ko at ganon din ang mga kasama ko.

"S-sorry Ms. Maureen. Ganon pala ang pinagdaanan mo." Biglang sabi ni Amy.

"Ibig sabihin... sa piano na lang tumatalab ang powers mo?" Tanong ni Flame.

"No, its up to me kung paano ko ito kokontrolin. Pero dahil five percent na lang ang natitirang powers ko, nahihirapan na akong kontrolin ito." Seryosong sabi ni Ms. Maureen. "Kaya mas minadali ko na lang ito at idinaan na lang sa pagtutugtog ng piano."

"Ahhhh..." Ani Amy. "Paano na yan Harmony, wala na tayong panghihingian ng tulong."

Well, there is one thing...

"Ms. Maureen, saan nila itinago yung nakaboteng powers mo?" Tanong ko.

"In the--- no. Wag nyo itong balaking nakawin kundi lahat tayo dito tatanggalan ng kapangyarihan!" Tumaas ang boses ni Ms. Maureen dahil sa pagkakataranta.

"We should. Buhay ng kaibigan namin ang nakasalalay dito." Seryoso kong sabi.

"S-sure ka?" Natataranta ding tanong ni Amy.

"Yes, and we should steal it tomorrow night." Seryoso ko pa ding sagot.

Tulad ni Ms. Maureen gagawin ko din lahat para sa kaibigan ko. Gagawin ko ang lahat mabuhay lang ulit si Chandrea.

St. Marie Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon