Special Chapter: Harmony and Flame

93 4 0
                                    


Flame's PoV




"Guys bilisan nyo baka nandyan na si Harmony!" Natatarantang sigaw ni Amy.

"Oo na malapit na." Sagot ni Nathan pagkatapos nyang gamitin ang powers nyang lagyan ng hangin lahat ng mga lobo.

Ako naman, sinindian ko na yung mga kandila sa ibabaw ng cake na binake naming apat para kay Harmony.

At! Dito sa rooftop namin sya sosorpresahin.

"Guys andyan na sya! Nase-sense ko na yung presence nya!" Sigaw ni Amy habang ginagamit ang animal sense nya.

Tinataranta talaga kami ng babaing to.

"Oo ready na! ang OA mo. Kala mo may sasabog na bomba." Sagot naman ni Raven na ikinatawa namin.

Nang marinig na namin ang tunog ng pagbukas ng pintuan... Sabay-sabay agad kaming sumigaw ng...

"HAPPY BIRTHDAY!!!!"

Nagulat agad sya ng makita nya si Amy na nakahawak ng camera, si Nathan at Raven na nakahawak ng mga balloons, at ako na naka-hawak ng cake.

Ika-syamnapu't syam na araw na pala simula ng ipanganak si Pj. At nang matuklasan kong anak ako ni late headmaster Peter at St. Marie.

Rinig kong sabi nya sa isip nya.

Paano ko nakuha ang skill na yon? Nakuha ko na lang sya bigla ng ibigay sakin nung boses ang 'yin-yang', noong araw ng awarding namin.

"Thank you." Nakangiting sagot ni Harmony.

Grabe, ngayon ko lang syang makitang ngumiti ng ganyan kahaba. Parang aabot na sa langit--- Ibig kong sabihin nararamdaman kong sobrang saya nya.

Baka isipin nyo na naman na may powers akong sense of feeling. Pwes wala, nararamdaman ko lang.

"Blow mo na yung candle!" Di makapag-hintay na sabi ni Nathan.

"Pero mag-wish ka muna!" Nakangiti namang sabi ni Amy.

Pinikit agad ni Harmony ang mga mata nya. At sinimulan ko namang ringgin kung ano yon.

Sorry, Harmony kung trespassing ako ngayon sa isip mo. Baka kasi ako yon, joke.

Double wish pala ang natanggap ko ngayong taon. And well, simple lang naman ang mahihiling ko. Sana, magkatotoo lahat ng pangarap ng mga kaibigan ko.

Iyon lang? At inihipan na nya yung kandila. Tsaka naman pumalakpak sina Amy at nag-hooray.

Sabi ko nga hindi ako. Kami palang apat yung wish nya. Lol. Hindi lang ako--- teka... may sinasabi na naman sya.

Napakasaya ko ngayon dahil first time kong mag-celebrate ng birthday kasama ang mga kaibigan ko. Sobrang saya ko talaga.

"Did we missed something?"

Bungad ni Ms. Maureen kasama sina Sky, Drei, Paul, at Nick. At nakahawak pa sila ng mga regalo. Teka. Kasama din nila sina Ms. Phara. At sina Miya, Keysha, Miko, at Jinho.

Tumawa na lang kami at ginamit lahat ng oras namin sa pagkwekwentuhan at pagtatawanan. Nagpaalam naman kami kay Ms. Trina at headmaster tungkol dito, at good news pumayag naman sila.

Salamat kay Ms. Phara.

Teka, yung surpresa ko nga pala sakanya. Grabe, muntik ko nang makalimutan. Hinila ko agad si Harmony papunta sa likuran ng rooftop's shelter. Sa likuran ng isang pader.

"Happy birthday." Bati ko ulit.

Sya naman gulat na gulat.

Tsaka ko pinulot ang isang bouquet mula sa sahig. Oo bumili pa ako ng bouquet para sa kanya. Mukha syang mamahalin pero mura lang sya dahil si Ms. Rose ang gumawa nyan para sa kanya.

Kaya kami ni Ms. Rose ang umaalay ng bulaklak kay Harmony ngayon. Lol.

Meron pang chocolates, isang box para sa birthday gift ko sa kanya, at may isa pang maliit na box para naman sa.... a-ano....

"Sorry, nahihiya kasi ako doon kaya dito ko na lang ibibigay." Nahihiya kong sabi.

Tumawa naman sya.

"Thank you." Sagot nya ng ibigay ko sa nya yung bouquet.

"Inorder ko yan kay Ms. Rose at binigyan nya ako ng discount. Birthday gift nya daw."

"Talaga? Ang bait talaga ni Ms. Rose." Sagot nya. Tsaka nya inamoy ang mga bulaklak na mukhang kapipitas lang mula sa hardin ni Ms. Rose.

"Harmony....."

Napatingin sya sakin nang bigla akong lumuhod.

Mag-popropose ba ako? Mga ulol hindi. Eh hindi pa nga kami tapos magpo-propose na agad ako. Sabi kasi ni Nathan kahapon, mas may chance daw na umoo yung babae pag luluhod ako.

Pero.... p-parang ang OA.

"Will... will you be my girlfriend?" Nag-aalinlangan kong tanong.

Ilang segundo syang napatigil.
Sh*t kinakabahan ako.

"Flame, hindi mo naman kailangang bumili pa ng mga ganito para mapa-oo ako. Kasi, pagmamahal mo lang sapat na." Sagot nya.

"Is that a yes?" Tanong ko.

"Yes."

Tumayo agad ako at niyakap sya. Pero bumitiw din kami sa isa't-isa, kasi pinulot ko pa yung isang maliit na box tsaka ko ito binuksan.

"Pinag-ipunan ko to ha." Sincere kong sabi.

"Flame..." Naiiyak na sagot ni Harmony.

Bwisit!!! Eh pinapaiyak nya kasi ako eh!! Ayan! Nagiging malandi na tuloy ako!!!

Natawa na lang ako sa narinig ko.

Isa syang kwintas na hugis dahon. At may Harmony na nakasulat sa gitna nito. Hindi ko sya binili, pinagawa ko sya.

Isinuot ko na sa kanya yung kwintas at napangiti naman sya.

"Next time mo na lang buksan 'tong birthday gift ko." Sagot ko tsaka ko na inilahad sakanya yung isa pang box.

"Alam mo, sobra-sobra na talaga to." Sagot nya tsaka na sya tuluyang umiyak.

"Hindi, deserve mo talaga to. Kasi hindi kita naligawan ng maigi dahil sa grand prix. Kaya sobrang nag-effort ako ngayon." Sabi ko tsaka ko sya niyakap ulit.

"Shet!!! Andaming langgam!!!" Sigaw ni Ms. Phara.

Bumitiw din kami sa isa't-isa ng mapagtanto naming nanonood na pala silang lahat.

"Sila naaaa!!! Yieeeeh!!!" Kinikilig namang sigaw ni Amy.

"Congrats!"

"Sana lahat hahaha!"

"Congrats!"

"Hindi pa kami kakasal. Ang OA nyo." Sagot ko.

Tumawa silang lahat at linapitan si Harmony para 'i-congrats' daw. Kala mo naman may kakasal.

Pero pinapangako ko...

Gagawin ko ang lahat wag lang masira ang relasyon namin. Kasi gusto kong sya na ang magiging una't huling girlfriend ko.

At sisiguraduhin kong sya ang papakasalan ko balang araw. Sisiguraduhin kong bubuo kami ng masayang pamilya. Mabubuhay kaming masaya at mapayapa.













Harmony x Flame











A/N: Yieeeh!! Kinilig ako dun ah, kayo ba kinilig din?! >.<

St. Marie Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon