"Teka nag-iba yung nakasulat dito sa tecnopon!" Gulat na sigaw ni Amy. Mukang natataranta din sya katulad ko.
"Iaannounce na lang daw dun sa St. Marie Academy." Ani Flame.
Ano ba yan. Nagulat kami ng biglang magpakita ang isang portal sa langit.
"Mukhang yan na ang daan pauwi." Ani Flame.
Mukang yan na nga. Agad kaming sumakay lahat sa abenyo at pumasok sa portal.
Nakarating kami sa sports field ng St. Marie. At nasa gitna kami ng field. Ganon din ang mga kalaban namin. Grabe andaming studyante ang nanonood samin. Tsaka may malaking TV screen pala sa likuran namin. At mukang doon nanonood ang mga studyante.
Punong-puno ng mga studyanteng naka-upo sa bleachers ng sports field. At nagulat na lang ako ng makita ko ang mga judges sa isang maliit na stage sa gitna.
Nagsimula na rin magsalita ang host na si Ms. Trina.
"Good evening students!" Sigaw ni Ms. Trina. At nasigawan din ang mga studyanteng nanonood.
Grabe hindi ko matignan ng diretso sina mama at papa.
"Tignan natin sa big screen ang final rank ng mga players!" Ani Ms. Trina.
Napatingin naman kaming lahat sa big screen.
Final Rank:
1. Team Tenoji -22,588 candies (central city)
2. Team Calamity -22,586 candies (district 7)
3. Team Phara- 20,333 candies (district 1)
4. Team Harmony -19,999 candies (district 3)
5. Team Francois - 19,679 candies (district 2)
6. Team Madison -17,000 candies (district 8)
7. Team Topspeed -16,731 candies (district 9)
8. Team Wester -16,728 candies (district 6)
9. Team Deathiro -14,000 candies (district 5)
10. Team Nemurin -13,999 candies (district 4)"Ang mga grupong nakapasa ay ang Team Tenoji, Team Calamity, Team Phara, Team Harmony, Team Francois, Team Madison, Team Topspeed, Team Wester. At ang mga grupong matatanggal ay ang Team Deathiro at Team Nemurin. It is very sad to say but.. Both of you Failed." Ani Ms. Trina.
Masaya ako dahil nakapasa kami pero nakakalungkot isipin na na-fail sila.
Kitang-kita ko sa malayo ang pag-iyak ng Team Nemurin. At ang walang ganang reaksyon ng Team Deathiro.
"Por que mabait ka. Kailangan mo pa din maging matapang." Biglang sabi ni Amy sakin.
Mukang nahuli nya akong nakatingin sa dalawang grupong natalo.
"Nakakaawa kasi sila Amy eh." Malungkot kong sabi.
"Maging malakas ka nga. Paano kung tayo yung nasa sitwasyon nila. Diba masisiraan ka din ng bait?" Ani Amy.
BINABASA MO ANG
St. Marie Academy (Completed)
Fantasy"Ang St. Marie Academy ay isang paaralan na punong-puno ng misteryo at mahika. Only Witches are allowed to go and enroll there. Hindi ko alam kung paano at bakit ako nakapasok dito. Aksidente lang ba ang lahat ng mga pangyayari? Or maybe I'm a witch...