1

77 2 0
                                    

Simple lang naman ako noon,
Walang pakialam sa paglipas ng mundo.
Ngunit nag iba na ata ngayon,
Simula noong nakita kita kahapon.

Ako'y nabigla at natulala,
Nang matanaw Ang maamo niyang mukha.
Ako'y nabighani,
Sa taglay niyang kakaibang ganda.

Dahil ako'y mahiyain,
Hindi ko magawa na siya ay tawagin.
Upang ang ugali niya ay alamin,
At nakilala na din.

Napansin niya na ako'y nakatingin,
Kaya ako'y nilapitan na rin.
Una ako'y naging mahiyain,
Ngunit paglipas ay okay na rin.

Madalas ko siyang makita,
Dahil do'n ay labis akong natulala.
Lalo na kapag ika'y nagpapatawa,
Dahil ang puso ko ay nagagalak talaga.

Pag-ibig na ba ang nararamdaman ?
Para sa kanya nitong nilalaman,
Nasa puso at isipan,
Palagi siyang napapaginipan.

Akala ko'y maging masaya,
Ang pagkatapos nitong tula.
Ngunit ako'y nagakamali,
Sapagkat nagbago na siya.

Poems about LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon