Minahal kita ng higit sa sarili ko,
Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko.
Ngunit binalewala mo lang ako.
Saan ba ako nagakamali?Araw araw kitang iniisip,
Mula umaga hanggang gabi,
Ngunit iniisip mo pa rin siya,
Handa akong ibigay lahat sa'yo.Kakayanin ko lahat para sa'yo
Gagawin ko lahat para sa'yo
Kahit yung kaisa isahang puso ko,
ibibigay ko para lang sayo.Sobra kitang minahal,
Ano pa ba ang magagawa ko?
Kung ikaw mismo ang nagsabi na
Kaibigan lang kita.Pinili mo siya kaysa sa'kin.
Wala na akong magawa kundi ang,
Pakakawalan ka.
Magiging masaya ako para sa'yo.Mahal na Mahal kita,
Kahit saan, kahit kailan
Nandito lang ako palagi
Maghihintay sa'yo.