Ang tanga tanga ko talaga
Para akong isang sirang plaka
na paulit-ulit na sinasabi
"Mahal na mahal kita,Mahal na mahal kita."Palagi mo nalang akong binalewala
Wala kang pakialam sa akin
Hindi mo ako kinakausap
At hindi rin pinapansin.Ano ba'ng kailangan kung gawin
para mapansin mo lang ako ?
Ginawa ko naman lahat
Pero bakit parang may kulang ako ?Hindi pa ba sapat ang mga ginagawa ko ?
Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko sa'yo ?
Hindi ko maiintindihan kung bakit ganito ka.
May iba na ba ?Ang pagmamahal ko sa'yo
ay hindi magbabago
Kahit kailan nandito lang ako
Para sa'yo.