Noong una kitang nakilala
Magkaibigan lang ang turing natin sa isa't isa
Palagi tayong magkakasama at nag kukwentuhan
Ikaw yung kaibigan na matapang at masayahin
Ikaw yung kaibigan na parang walang problema.Ikaw ang type na kaibigan na madaling mapikon at proud sa sarili
Yung tipong alam na alam mo lahat
Ngunit hindi mo magagawa yun kung wala ako
Para tayong magkapatid
minsan nag aaway, minsan nag lalambing sa isa't isaIsang araw may nanligaw sa'kin
Hindi ko siya masyadong kilala,gaya ng pagkakakilala sa'yo.
Hindi nagtagal sinagot ko naman, ang tanga ko di ba?
Nalaman kong pinaglalaruan niya lang ako.Nagalit ka noong hindi ko sinabi na may nangligaw sa'kin
Hindi ko alam Kung paano ko nagawa yun.
Baka nadala lang ako sa emosyon
Bakit ba ang malas malas ko sa pag ibig?Dumating ang araw na naiintindihan ko na,
Hindi na dapat kasi ako naghanap ng iba
Kasi Ang hinahanap Kong pag ibig ay nasa tabi ko lang
Umamin ako sa'yo, "Mahal na Mahal kita".Nagulat lang ako no'ng sinabi mo rin
"Mahal na Mahal din kita"
Ang saya saya ko no'n
Hindi ako mapakali
Ang lalim kasi ng pagkahulog ko sa'yo.
Hindi ko kaya kapag wala ka.