Pag-usapan natin sya.. Itago nalang natin siya sa pangalang Raven.
Physical looks? Ay naku po.. Yummy sya, as in! Maputi, matangkad, gwapo.. not to mention ang ganda ng ngipin nya.. malaki rin yung ano.. yung katawan niya.. (nagg-gym kase siya kaya ganun..) at syempre yung selling point niya (para sakin ahh..) YUNG MGA MATA NIYA! Ang tapang eh.. Nakakatakot tumitig.. Pero ewan ko nakaka-attract kase.. Para bang kung kasama mo siya, feeling mo safe na safe ka. Titig pa lang nya lalayo na yung mga may balak na masama. Ewan ko ba bakit ako gwapong-gwapo sa titig nyang yun. Mata kasi talaga tinitignan ko eh.
Sa ugali, naku medyo sablay siya dito eh. Paano ba naman kasi, ang warfreak ni loko (pero in fairness naman kasi sa kanya, totoo naman yung sinasabi niya). Problema lang kasi di niya yata alam yung salitang PIGIL. Hard talker, trashtalker, pero madalas REAL TALKER. Yung tipong mapapaisip yung sinabihan niya ng, "Ay p*ta, oo nga no?" Siya rin yung BAD BOY figure sa group bukod sa gumawa nung grupo. Kung di ka marunong tumanggap ng criticism, patay kang bata ka. Hindi mo siya kakayanin. Marami ring nangingilag sa kanya kasi yun nga, ang hard niya bumanat, tapos yung dating niya sa grupo eh malupit. Yung tipong mai-intimidate ka sa kanya. May kayabangan din kasi siya.
Isa pang hindi ko dapat kalimutang banggitin dito eh yung pagiging BABAERO niya. Juice colored! Kung may subject na pambabae sa school eh malamang lagi siyang uno dun, baka nakatapos na siya ng Master's Degree sa larangang yun. Okay, di ko siya masisisi. Sa gandang lalaki nya eh ewan ko kung sinong babae ang hindi magkakandarapa sa kanya (yung mga asar siguro sa ugali nya..). Sanay na sanay nga ko sa kanya na linggo-linggo eh may ipopost syang picture na may kasamang GF nya daw. Nakakapagtaka lang na nag-iiba din yung mukha linggo-linggo! Aba matinde!
Yan si Raven para sakin bago ako ma-inlove sa kanya.
BINABASA MO ANG
Pinaasa , Umasa , Iniwan ...
Non-FictionThrowback Hurtsday! Naisip ko lang isulat (itype, I mean..) yung mga nangyari, bilang paulit-ulit sa utak ko. Dedicated sa pinakamamahal kong ex. No hard feelings. But I was really, really hurt. Pinaasa , Umasa , Iniwan ... │ © Nov 04 2014 │ by Arec...