Pagkatapos ng ilang bote ng empe at ng beer pong challenge ay pumasok na ko sa loob ng kwarto. Umulan na rin kasi. Nagpakabasa sa ulan yng mga lalaki habang nagkwentuhan na naman kaming mga babae. Si Lester naglalaro ng LOL, pero kalaunan ay sumama na rin sa kulitan namin. Biglang bumukas yung pintuan ng kwarto ni Tapz (Isarado nyo yung pinto! Lalabas yung aircon!) bumungad si Raven na dala yung alagang sawa ni Tapz!!!!!!!!!! (See media para sa aktwal na larawan) Ihinagis nya samin yung sawa, lumanding sa mukha ni Jillian. Ako naman sumiksik sa likod ni Lester. VROOOOOOOOOM! Adrenaline rush! May mga napatalon, may napaiyak, may mga nag-ala-The Flash sa bilis tumakbo sa second floor at sa labas ng bahay. Meron ding mga ninja na nagcomfort sa mga girls. Hahaha. Kailan ba nawala yun?
Pagkatapos ng mala-action movie na eksena namin eh nagsihiga na kami. Bilang pagod na pagod ako sa biyahe at epekto na rin ng nakainom ako ay mabilis kong nakuha tulog ko. Naiwan sila Raven na gising. Pinagtripan nila kaming mga tulog. Nasaan ang hustisya?
Siguro may anim o apat na oras akong tulog. As in dead asleep. Ilang picture kaya ang meron ako? G*go talaga tong si Raven eh. Wa poise tuloy. Buti hindi in-upload nung may-ari ng camera yung picture.
Nagising ako nang hinaharot nila yung mga katabi ko. Nagtulug-tulugan ako. Haha. Ang lakas ng mga trip nila. Nahawakan pa ni Kairi yung hinaharap ko JuiceColored! Napilitan ako bumangon nung ginising ako ni Lester para magpaalam na uuwi na siya. Gutom na rin ako kaya lumabas na ako ng kwarto. Pagkatapos ko maghilamos eh naghanap ako ng makakain. Nagboluntaryo si Jessie na magluto ng noodles, hindi lang naman ako yung hindi pa kumakain.
Lumabas muna ako sa bakuran para makipagkwentuhan at makiusyoso sa pagvi-videoke ng mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Pinaasa , Umasa , Iniwan ...
Non-FictionThrowback Hurtsday! Naisip ko lang isulat (itype, I mean..) yung mga nangyari, bilang paulit-ulit sa utak ko. Dedicated sa pinakamamahal kong ex. No hard feelings. But I was really, really hurt. Pinaasa , Umasa , Iniwan ... │ © Nov 04 2014 │ by Arec...