Sawsawan.

135 5 0
                                    

Kwento ito nung unang beses kaming nagpansinan.

So there's this FB Group. Bago lang ako. Nakikiramdam lang ako sa mga tao dun. Sa mga post sumasawsaw lang ako pag nakakarelate ako, baka naman sabihing display lang ako dun. So isang gabi (late night na yun.. karamihan kasi dun sa group mga nocturnal katulad ko.), merong post. Hindi ko na alam kung kaninong post yun, kung kay Raven ba or dun sa isa pa naming ka-group. Basta nag-uusap sila sa comments tapos sumawsaw ako kasi sobrang bored na ko (magla-logout na nga dapat ako nun at matutulog.).. di ko naman ineexpect na papansinin niya / nila ako. Tapos biglang may notification. Aba pinansin ako! Akala ko mga snob yung mga tao dun eh. Nagkulitan kami dun sa post. Kung medyo makitid utak mo at nabasa mo yung palitan ng comment namin aba mag-iisip ka. Minamanyak nya kase ako dun which is alam ko namang biruan lang. Hahaha. Common na biruan lang naman sa group yun. Gulat sya sinakyan ko trip nya nun eh.

Inabot kami ng alas kwatro ng umaga nun kakakulitan. Yung maaga kong tulog naging umaga na naman. Pero ok lang at least meron na kong ka-close dun sa group. Hindi na ko maiilang.

Simula nun, naging close na kami ni Raven.

Pinaasa , Umasa , Iniwan ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon